CHAPTER SEVEN
Nagising siyang nasa loob pa rin ng sasakyan ni Hyulle. Nagulat pa siya na nakatakip na sa kanya ang suit ni Mr. Hyulle. "A-anong nangyari sa akin?" tanong ko habang tinitingnan ang nakapatong na suit sa katawan ko. "Nasira ang blouse mo--"
"Anong ginawa mo sa 'kin?" galit at masamang tingin ko sa kanya.
"O bakit ka ganyan makatingin? Huwag kang ambisyosa, hindi kita type," seryosong sambit ni Hyulle.
Napalunok naman siya at saka umayos ng upo."Pwede bang tumalikod ka muna," sambit niya.
"And why? Nakita ko na naman lahat iyan ng paulit-ulit," he smirks. Siya naman ay napairap ng matindi sa lalaking si Hyulle.
"And so? That was because I have in uncosius!" Napalikod siya ng mabilis. Inis na inis siya sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit ba sa dinami-dami naman ng tao ay ito pa tumulong sa kanya. "Ubod ng yabang." Sambit niya sa isip niya na hindi niya akalaing naririnig pa nito.
"I've heard you." Sabay turo nito sa kanyang sentido.
"Ows! So do I need to voice out what is inside of my mind!" Bumangon siya, at walang nagawa, kung hindi ang isuot ang suit na itim na nakapatong sa katawan niya. Kahit na ayaw nitong tumalikod. "Sabihin mo nga sa akin, ganyan ba talaga ka kapal ang mukha ng mga tagabantay? How so rude!" paanas niyang palatak sa lalaki at sinabayan ng matatalim na tingin. Na kung kaya lang niya ay ito na lang ang kagatin.
Napatawa ito ng walang hangin. "Masyado lang kasing pathetic ang pamamaraan mo, namuhay ka kasi bilang tao."
"At ikaw hindi? Ano ka ba talaga? Werewolf o tao?" mahina pero pagalit na tanong ko.
"Ako ang magdedesisyon kung mabubuhay kapa o mamatay na, sabihin na nating naaawa pa ako sa iyo, kaya buhay kapa." Sarkastikong sagot ni Hyulle. At hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin. Nailing na lang siyang inayos ang pagakasuot ng suit nito at payakap na inihapit pa iyon sa kanyang katawan. Yakap niya ang kanyang sarili na sumandal.
"Nakita mo kung anong nangyari sa iyo? Ganon ang kahahantungan mo kapag hindi ka kumain ng Karne. Kaya kailangan mong kunain ng karne."
"Oo na! Paulit-ulit ka na!" singhal niya na hindi na napigilan ang mapasigaw.
"Bakit ka ba nagagalit? Ikaw na ang tinutulungan ikaw pa ang ganyan?" mahina at malumanay ang boses nito kahit na may himig ng pagalit. Hindi niya maunawaan pero para bang normal na rito ang maging mahinahon. Mahina ang boses pero napakalamig at halos parang napapaos.
"E sa galit ako e, naiinis ako, bakit kasi ganito ako? Hindi ko alam kung bakit pinanaganak pa ako sa mundong ito na kakaiba," napahagulhol na siya at hindi na pagilan ang maiyak. Hindi niya matanggap sa sarili na ganoon ang kalagayan niya. Noon pa man ay alam na niyang may kakaiba sa kanya, pero hindi niya alam na ganito siya kalala.
"Polina, huwag kang umiyak! Matuto kang tanggapin ang sarili mo."
"Nasasabi mo iyan dahil hindi ka tulad kong may dalawang pagkatao, o tao ba talaga akong maituturing? Isang kakaibang nilalang na hindi mauunawaan ng mundo," sambit pa niyang muli. Marahas niyang pinunasan ang kanyang mga luha. "Walang tatanggap sa iyo, kundi ikaw lang rin sa sarili mo, pero kung ikaw mismo, hindi mo kayang mahalin at tanggapin kung sino ka talaga, huwag kang umasa ng pagtanggap mula sa iba." Mga salitang tila nagpabukas ng kanyang isipan. Mga salitang inaamin niyang nanggaling pa sa alalaking kanyang kinaiinisan.
"O ano tara na?" tanong nitong muli sa kanya.
Marahan naman siyang tumango nalang.
Alas-otso na pala ng gabi ng makarating sila sa loob ng mansiyon ng mga Elgrande. Kahit na masama ang tingin sa kanya ng mga kasamahang katulong dahil bumaba siya mula sa kotse ng kanilang amo, at alam niyang hindi nakaligtas sa mga ito ang suot niyang suit ni Mr. Hyulle.
"Bakit ba ngayon ka lang?" bulong ni Ate May sa kanya. Nakahelera kasi silang nakatayo sa bukana ng pintuan papasok sa loob ng mansiyon.
"Magbihis ka na tapos maghapunan na tayo, I will call you after an hour," mahina ngunit puno ng awtoridad na utos nito sa kanya. Tango na lamang ang tanging nagawa niya at hindi na nilingon pa ang among lalaki. Bagamat nasa mga mukha ng mga katulong ang malaking pagtatakha ay tahimik lamang din ang mga itong sinundan siya ng tingin.
Pagpasok niya sa kanyang silid ay dumeretso na siya sa banyo para maligo. Pakiramdam niya ay amoy laway siya. Nakita niya ang video na nakuhaan ni Hyulle habang nagwawala siya sa video camera nito. Namangha siya sa aparato na iyon. "Iba na talaga ang mayaman." Wala sa loob niyang nasambit sa kanyang isipan. Naiiling na lang siya nang muling maalala, ang mga sinabi nito sa kanya.
"May punto naman siya, kailangan kong tanggapin ang sarili ko." Wala na naman sa loob, na nakagat pa niya ang dulo ng kanyang daliri, habang nakatukod ang kanyang siko sa likod ng kanyang palad. Habang ang malakas na agos ng tubig, mula sa shower ay rumaragasa sa kanyang buong katawan. At nang maalala na naman niya ang mga sinabi nitong ilang beses nang nakita ni Hyulle ang kanyang katawan ay nakaramdam siya ng pag-iinit sa kanyang pisngi. Mabilis niyang naikulong, ang kanyang mukha sa kanyang mga palad.
Tatlong malalakas na katok, ang narinig niya mula sa kanyang banyo, na ikinagulat niya. Paano naman kaya nakapasok ang kung sinuman sa kanyang silid, natatandaan niyang ini-lock niya iyon, bago pa siya pumasok sa kanyang banyo. Mabilis niyang pinatay ang gripo at nagmamadaling kinuha ang bathrobe niya. "S-sino iyan?" nauutal pa niyang tanong. Ngunit hindi ito sumagot bagkus ay kumatok muli ito ng tatlong beses. "S-sino iyan sabi?" tanong na na naman niya. Naiinis siya dahil hindi ito sumasagot. "Sino ka ba?" Mabilis na lang niyang binuksan ang pintu dahil sa inis niya rito.
Nanlaki ang mga mata niya, at mabilis ring nakaramdam ng pamumula, lalo na, nang makita niya ang matalim na pagtitig nito sa kanya. Nakasandal ang isang braso nito sa hamba ng pintuan ng banyo, "Hindi ka ba makapag hintay? Naliligo pa ako!" ngunit mas ikinagulat niya nang bigla na lang siyang sakalin nito at hilahin. Marahas siyang itinulak nito sa kanyang kama.
Namutla siya ng makita si Hyulle na nagkakaganoon. Tila wala ito sa sarili, at hindi siya makapaniwala na ito ang kanyang amo. Nanginginig ang kanyang mga labi, hindi siya makakilos o makapagsalita. At para bang ang bigat ng kanyang katawan, at hindi niya magawang kumilos manlang. Sinikap niyang mapatingin rito, at maibuka manlang ang kanyang mga labi upang makasigaw pero hindi niya magawa.
"Anong nangyayari sa kanya?"
Tanong na hindi niya magawang ibulalas sa kanyang tinig. Pero alam niyang maaring naririnig nito ang kanyang iniisip. Kung naririnig lang sana niya ang iniisip nito. Pero hindi, hindi niya marinig ang nilalaman ng puso at isipan nito. Ilang sandali pa ang nanglilisik nitong mga mata ay mas tumindi pa. Pero nakikita niyang pinipigilan ni Hyulle ang kanyang sarili. "Kakainin ba niya ako?"
Tumayo si Hyulle at nakita niyang naghubad ito ng pang-itaas na kasuutan, mabilis lang nitong pinunit ang suot nitong t-shirt, at ang pang-ibabang kasuutan nito ay parang plastik na natutunaw na lang at nagkapira-piraso sa paligid. Isang malakas na enerhiya ang lumalabas sa katawan nito. At wala siyang magawa, at hindi siya makakilos sa lakas at kapangyarihan nito sa kanya.