THE LAST WOLF PRINCESS

CHAPTER 8



Nanalaki pa lalo ang mga mata niya, at halos maluha dahil sa tindi ng rumaragasang takot sa kanyang kalooban. Mabilis na tumambol ang puso niya at kulang na lang ay atakihin siya. Hindi niya alam, kung anong binabalak ni Hyulle na gawin sa kanya. Ang dating tahimik at mahinahong lalaki na nakikita niya ay biglang nagbago sa loob lamang ng ilang minuto, anong meron? Anong nangyari? At nakita niya sa labas ng bintana ang kakaibang kulay ng buwan. Naging asula ang kulay nito na tila ba siya lang ang nakakakita nito. "Iyon ba ang dahilan?" tanong niya habang nakahiga siya sa kama, at ang mga hibla ng kanyang buhok ay nakalaylay sa edge ng kama. Sumandali pa, at nakatitig na sa kanya si Huylle at palapit na sa kanya. Ngunit may nagbago, wala na ang mapupula nitong mga mata, na nanlilisik na akala mo ay kakainin siya ng buhay. Ngunit naroon pa rin ang kakaibang awra ng katawan nito, naroon pa rin ang enerhiyang tila nagpapawala kay Hyulle sa sarili nitong katinuan.

"Hyulle! Naririnig mo ako alam ko! Gumising ka! Ano bang nangyayari sa iyo?" malakas niyang tawag sa kanyang isipan. Dahil natatakot na siya sa maaari nitong gawin sa kanya. Ngunit wala iyong saysay. At ang mga mata ni Hyulle ay mas kinakitaan pa ng kakaibang uri ng mga mata.

Mas nagitla siya, at kumunot ang noo, nang makita ang pagkalalaki nito, doon ay mas lalo pa siyang nakaramdam ng takot sa naiisip niyang gagawin nito sa kanya. At sa isang tingin lang ni Hyulle ay nawasak ang bathrobe na suot niya, para lang iyong papel, na nagkapunit-punit sa ere at tuloyang lumagpak sa sahig ang bawat piraso nito. Mabilis siyang dinaluhong ni Hyulle ng halik sa kanyang mga labi, marahas at mapangahas ang bawat pagkilos nito, isang halik na tila ba kakayaning angkinin ang buo niyang katawan, wala siyang magagawa, anong magagawa niya, kung paralisado ang bawat parte ng katawan niya? Pakiramdam niya hindi dumadaloy ang dugo sa bawat ugat niya. Parang huminto ang sistema niya.

"Please Sir Hyulle, huwag mong gawin ito sa 'kin, huwag pakiusap, huwag mong kunin ang isang yaman na tangi kong iingatan!" sambit niya sa kanyang isipan, at umaasa siyang maririnig ni Hyulle ang lahat. Tumulo ang luha niya at pumatak iyon sa mga kamay ni Hyulle.

At nagulat siya ng tumigil ito sa marahas na paghalik sa kanyang leeg. Ilang segundo nitong naisubsub ang mukha sa kanyang leeg, at nakapatong parin ang katawan nito sa kanyang katawan. Ilang segundo rin ang dumaan at unti-unti na niyang naramdaman, na wala na ang kapangyarihan nito na kumukontrol sa kanyang buong sistema.

Mayamaya pa ay marahan itong bumangon, mula sa pagkakadapa sa kanya. At panandaliang umupo muna sa kama. Napansin din niyang bumalik na ito sa sarili nitong katinuan, nawala ang tapang at nakakatakot na ekpresyon nito sa mukha. Mabilis siyang napabangon at pabaluktot na niyakap ang kanyang mga tuhod. At duon na lamang ibinuhos ang kanyang mga luha. Umiyak nang umiyak, hanggang sa malunod siya sa mga luhang iyon. Naramdaman niya na napalingon ito sa kanya. Malakas rin niyang naririig ang bawat tibok ng puso nito, at ang bawat paglunok nito ng sariling laway. Hinihintay niya ang mga salitang lalabas sa bibig nito. Ang salitang mamumutawi dapat sa mga labi nito. Isang salita na hinihintay niya, at nais niyang marinig.

Ngunit tumayo lamang ito, at sa isang pitik lamang nito ng mga daliri ay parang walang nangyaring nagbalik ang mga kasuotan nito sa katawan, at maging ang bathrobe na kanina'y kitang-kita niyang nagkagula-gulanit sa sahig ay biglang nakalapat na muli sa kanyang katawan. Isang klase ng mahika, na kailanman ay hindi mauunawaan ng mga tao lamang. Ngayon ay alam na niyang hindi rin ito isang tao.

"Let's go, for a dinner."

Iyon lang ang sinabi nito at mabilis pa sa isang kisap matang naglaho ito sa kanyang harapan. At ang lahat ay tahimik na nagbalik sa dati.

Mabilis na isinara ni Hyulle ang pintuan ng kanyang silid, at mula roon ay nabalot iyon ng kakaibang enerhiya. Doon ay nagalit siya at pinagsusuntok ang bawat pader na makita niya. "Bakit ngayon pa ito nangyari? Bakit siya pa? Bakit siya pa ang mate ko!" galit niyang sambit at nagsisisigaw sa loob ng mahiwagang silid na iyon.

Maya maya ay lumitaw sa kanyang harapan ang isang nilalang na anyong Lobo. Mapula ang mga mata nito at dagling naging anyong tao. "Hyulle! Bakit hindi mo pa rin nagagawa ang misyon mo?" tanong nito sa kanya. "Bakit siya pa? Nakita mo ba ang pag-asul ng buwan!" Tinuro niya ang labas ng kanyang bintana.

"Wala akong pakialam! Kung ako sa iyo, huwag mo nang intindihin pa kung siya ang iyong mate dahil wala ring mangyayari! Ang misyon mo ang dapat mong unahin!" mabigat na utos nito sa kanya, at mabilis na naglaho ang Lobo. Napaluhod si Hyulle, nanlulumo siya dahil sa mga naganap kanina lamang. Hindi niya alam kung paano niya pa itutuloy ang sinasabi ng nilalang na lumitaw sa harapan niya kanina. Ang tungkol sa kanyang lihim na misyon. Isang misyon na ngayon ay hindi na niya alam kung magagawa pa niyang matupad. Lalo pa ngayong nalaman niyang si Polina pala ang kanyang mate, at ang paglitaw ng asul na buwan ang kanyang pinakatatagong kahinaan. Ilang libong taon na, mula ng huling lumitaw ito, at mabuti na lang at hindi para sa kanya ang paglitaw niyon, ngunit iyon ang panahong manghihina siya at mawawalan ng kontrol sa kanyang sarili, at masakit pa roon ay walang gamot sa kanilang kahinaan. Silang mga lalaking wolf lamang ang makararamdam ng ganito, at kapag nataong lumabas ang asul na buwan at mayroong babaeng wolf sa iyong tabi, iyong ang iyong mate.

"Siya ang mate ko, paano na? Paano ko magagawang patayin ang babaeng itinakda sa akin ng langit?" Tapos noon ay nakarinig ang lahat ng malakas na alulong ng aso, ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay si Hyulle iyon. Lumipas pa ang isa at kalahating oras bago bumababa si Polina, naroon pa rin ang mga kasamahan niya. Nakatayo sila sa gilid habang naroon na si Hyulle at nakaupo sa harap ng lamesa. Ayaw niya sanang sabayan ito dahil sa naiilang siya sa mga kasama niya. Ngunit ang binata mismo ang nagpaupo sa kanya sa hapag at pinasabay siyang kumain.

Sa mahabang lamesa sa dining area ay nasa sentro ito, at siya naman ay sa kanang bahagi na malapit lang din sa kanilang amo. Tahimik itong kumakain ng mga hinanda ni Manang Martha. Puro karne ng baka ang nakahain. Kaya naman natatakam din siya. Kaya lang ay hindi niya magawang ibuka ng husto ang kanyang bibig dahil alam niyang maraming mga mata ang nakatingin at nagtataka. "Manang Martha, Ate may, Aling Selya, kain na rin po kayo," magalang niyang sambit sa mga ito.

"Huwag mo na silang ayain, kakain din naman sila mamaya," malamig at mahinang sagot ni Hyulle sa kanya. Hindi niya alam kung bakit tila ito pa ang galit sa kanya. Matapos nitong gawan siya ng masama.

"At siya pang galit ngayon! Wala ba siyang balak na mag-sorry sa akin?" nasambit niya sa kanyang isipan, nakalimutan niyang naririnig nga pala ni Hytulle, ang mga nilalaman ng isip niya. Nakita niyang tumitig, ang amo niya ng matalim sa kanya, at tinaasan pa siya ng kilay, na para bang nagbabanta.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.