The Trouble With Good Beginnings

Chapter 19



Chapter 19

DEAR ALERON,

We have done so much for our relationship to work out. Siguro, panahon na rin para ang tadhana

naman ang kumilos kung sakali ngang tayo ang para sa isa’t isa. Dad made me choose. Hindi ko na

hawak ang mga sumunod na nangyari. I was torn between you and my family. Pero hindi

nangangahulugang dahil wala ako sa tabi mo ngayon at sila ang pinili kong samahan ay hindi na kita

mahal. I just needed to fix my relationship with my family first. Kunin na rin natin itong panahon na ito

para maghilom, para ayusin ang mga dapat ayusin.

Naniniwala ako na hindi mangyayari ang mga bagay kung hindi nakatakda. Parang tayo lang. In this

random world, sino bang mag-iisip na magmamahalan sina Athan at Hailey? Sino bang mag-iisip na

ang dalawa palang iyon ang magiging tulay natin para magkakilala? Naniniwala akong hindi nagkataon

lang ang lahat. I do believe in our story, Aleron. I will always hold on to us wherever I go. And I also

believe that the next time we meet, things will be in their rightful places.

Until the right time,

Holly

Nag-init ang mga mata ni Aleron matapos mabasa ang iniwang sulat ni Holly. Ayon sa driver niya na si

Nick na siyang nagbantay sa kanya sa ospital ay apat na araw daw siyang unconscious. Pareho silang

walang malay ni Holly nang isugod daw nito sa ospital. Ayon kay Nick ay hindi agad sila nito nadaluhan

ni Holly dahil nakipagpambuno pa ito kay Romulo, ang dating live-in partner ng kanyang ina.

Natuklasan niya ring pulis si Romulo na kasalukuyang suspendido dahil nahaharap rin ito sa kasong

may kaugnayan sa pagbebenta ng droga. Kung hindi daw tinulungan ng gwardya ng sementeryo si

Nick laban kay Romulo, malamang ay nag-agaw buhay rin ang driver niya. Ang gwardya ang siyang

nakapatay kay Romulo.

Pareho sila ni Holly na nagawang makaligtas mula sa kapahamakan. Luckily, none of the bullets

pierced a vital organ or major blood vessels in their bodies. Matagumpay ang naging surgery nila ni

Holly. At noong nakaraang araw pa umano naunang nagkamalay ang dalaga. Ayon kay Nick ay

nagawa pa siyang bisitahin ng huli sa hospital room niya para personal na ihatid ang sulat nito bago ito

lumabas ng ospital kasama ng mga magulang nito.

Napahugot si Aleron ng malalim na hininga. Nang magising siya ay si Holly agad ang una niyang

hinanap. Nang malaman niyang buhay at ligtas ang dalaga ay ganoon na lang ang saya niya. Pero

nang matuklasan niyang umalis ito na ni wala man lang pasabi kung saan niya matatagpuan ay agad

ring inagaw ng tadhana ang saya niya.

Mayamaya ay nakarinig siya ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto. Nabuhay ang pag-asa sa puso

niya. Baka bumalik si Holly. Pero nabigla siya nang imbes na ang nobya ay ang ina ang iniluwa ng

pinto. Lumuluhang sinugod siya nito ng yakap.

“Patawarin mo ako, anak!”

Naipikit ni Aleron ang mga mata. Bigla ay pumasok sa isip niya ang nilalaman ng sulat ni Holly. Kunin

na rin natin ang panahon na ito para maghilom, para ayusin ang mga dapat ayusin. Tama ito.

Kailangan siguro talaga muna nilang maghiwalay para mabigyang halaga ang mga nabinbing bagay sa

mga buhay nila na matagal na dapat nila nabigyang solusyon kung hindi lang sila inatake ng takot na

sumubok sa ikalawang pagkakataon. Pero sumugal siya kay Holly. Bakit hindi siya susugal para sa

sariling ina?

Aayusin niya ang lahat para sa pagbabalik ng babaeng pinakamamahal, handa na siya. This is for you,

Holly.

FOUR months later…

“No, I’ve never seen nothing like you. No one else makes me feel like you do. I’ve searched across the

universe. I’ve seen so many things so beautiful, it’s true. But I’ve never seen nothing like you…”

Pakiramdam ni Holly ay nasa loob siya ng isang panaginip habang naglalakad palapit kay Aleron na

nasa dalampasigan nang mga sandaling iyon habang tumutugtog sa grand piano at umaawit. Ang

kulay dagat na mga mata nito ay nakatutok lang sa kanya. Lahat ng sama ng loob niya noon, bawing-

bawi ngayon. Nakasuot ng long sleeves polo ang binata na kakulay ng suot niya: puti. Pero kahit isa ay

walang nakabutones sa suot nito kaya gaya ng unang pagkikita nila, hantad na hantad sa kanyang

mga mata ang malalapad nitong dibdib.

Lahat, nang mga sandaling iyon ay parang eksenang hinugot mula sa isang pelikula. Wala siyang

nakikitang hindi maganda mula sa papalubog na araw, sa asul na asul na dagat na sa tuwing

tinitingnan niya ay naaalala niya ang mga nakangiting mata ni Aleron, sa musika, sa bilog na mesa

hindi kalayuan kay Aleron na sadyang inayos para sa dalawa, sa mga nakakalat na pula at puting

petals sa buhanginan hanggang sa mismong lalaking tumutugtog sa harap ni Holly.

Pagkagising niya nang hapong iyon ay nagulat pa siya sa dalawang babaeng nabungaran niya. Mag-

ina ang mga iyon na nagpakilalang Renata at Liza. Sa kalaunan ay nalaman niyang caretaker pala ang

mga iyon sa isla. Ibinigay ng mga ito sa kanya ang isang puting long gown at mga bulaklak na siyang

suot at hawak niya nang mga oras na iyon. Iyon na ang huling gabi nila sa isla. Tapos na ang dalawang

araw na extension ng pananatili nila roon. Kinabukasan ay kailangan na nilang humarap at

magpaliwanag sa kanyang mga magulang.

“Been all around the world. ‘Seen everything from the North, South, East, West but I’ve never found

someone with your heart of gold. From Paris to Rome to places I’ve never known, nothing felt as right

as you and I. And I never wanna let you go…”

Nangingislap ang mga matang napangiti si Holly. Busog na busog ang imahinasyon niya. Noon na lang

iyon gumana matapos ang matagal-tagal ring pamamahinga. Sandaling ipinikit niya ang mga mata.

She welcomed the feeling of being inside a dream. Buhay na buhay ang dugo niya. And she knew, the

writer in her was back. Emily Reed was finally back. Nagbalik na ang nawalang pagkatao niya.

Pero natigilan siya nang bigla ring maglaho ang musika pati na ang boses ni Aleron. Agad na napadilat

siya. Sumalubong sa kanya ang nakaupo pa ring anyo ng binata sa likod ng grand piano. Nakatitig na

lang ito sa kanya. His eyes were filled with awe. Kumunot ang noo ni Holly. “May problema ba?”

“I’ve never really seen nothing like you, Holly. I can’t believe you’re really back in my life for good.” Sa

halip ay sagot ni Aleron. “Akin ka na ba talaga uli?”

Napailing na napangiti si Holly. “Kung makapagsalita ka, para namang prinsesa ang nasa harap mo.

Ako lang ‘to. Writer. Generic. Madaling makita. Maraming gaya ko na hopeless romantic at saka-“

“Wag mong nila-‘lang’ ang babaeng mahal ko. Nakakainsulto ka.” Tumayo si Aleron at lumapit kay

Holly. Nagsalubong ang mga kilay nito. “Ayokong minamaliit mo ang sarili mo, Holly. Kung maraming

gaya mo, ‘di sana wala nang nagloko. When you smiled earlier, you know what I realized?”

“What?”

“Na sana nakikita ng lahat ang nakikita ng mga mata ko ngayon. You were such a sight to behold,

sweetheart.” Ipinaikot ni Aleron ang mga braso sa baywang ni Holly. “Your eyes held all that was

beautiful in this world. They reflect hope… hope for a beautiful dream.”

Isang tulad ni Aleron ang nagsasalita ng mga ganoong bagay sa kanya. Sino siya para tumanggi pa?

Ang prinsipe ko… totoo ngang nagbalik na. Ang init sa mga mata ng binata, ang ngiti sa mga labi nito,

ang sumisilip na dimple sa kaliwang pisngi nito, ang isinasayaw-sayaw ng hangin na buhok nito at ang

lahat-lahat sa araw na iyon ay itatago niya sa puso niya. Inabot niya ang kwelyo ng polo nito.

“Ibutones mo lang ang mga ‘to, pwede na tayong humarap sa judge pagkatapos.” Nagbibirong wika na

lang ni Holly. “Bakit mo nga pala naisip ‘to?” Itinaas niya ang bouquet na hawak na katulad na katulad

ng sa bouquet niya noong ikakasal sila. “Para tayong ikakasal.”

“Hindi ko kasi ito naibigay sa ’yo noon.” Napuno ng pagkadismaya ang boses ni Aleron. “I’ve never

seen you in white. The thought made me die every time. That was one of my greatest regrets-“

“Ssh.” Itinakip ni Holly ang dalawang daliri sa mga labi ni Aleron. “Tapos na ‘yon.”

Ngumiti ang binata. Inabot nito ang kamay niya at masuyong hinagkan. “Sa paglubog ng araw, gagawa

tayo ng mga bagong alaala.” Nakagawa nga sila ng mga bagong alaala dahil sa pagkalat ng dilim,

napuno ng fireworks ang kalangitan...

“Happy birthday, Holly.”

Agad na natigil sa pagbabalik-tanaw si Holly nang marinig ang pamilyar na boses na iyon ng ina.

Napabangon siya mula sa pagkakahiga sa buhanginan. Bumalik sila ng mga magulang sa beach

house nila sa Laguna at dahil sa dagat ay walang sandaling hindi niya naalala si Aleron. Lalo na ang

mga mata nito.

Napaharap siya sa ina, nasa tabi ito ng kanyang ama. May hawak na cake na may nakalagay pang

kandila ang una habang isang bouquet naman ng mga rosas ang dala ng kanyang ama. Sa nakita ay

panibagong alaala ang pumasok sa kanyang isipan.

“Siya ang kasama mo noong higit dalawang linggo kang nawala.” Hindi nagtatanong kundi

nagkukumpirmang wika ni Alfar.

Tumango si Holly habang nanatiling nakayuko. Ni hindi niya magawang salubungin ang panunumbat

na alam niyang nakarehistro sa mga mata ng mga magulang.

“Bakit? Bakit kayo magkasama ni Aleron? Ano na naman ‘tong ginawa mo, Holly?”

Napalunok si Holly sa pagtataas ng boses ng ama. Mula pa nang magising siya ay puro kalamigan na

ang ipinapakita sa kanya ng mga magulang. At nasasaktan siya. Ni hindi man lang kinumusta ng mga

ito ang kalagayan niya. “Mahal ko siya, dad.” Mahina niyang sagot. “Mahal ko si Aleron.”

“Lintik na pagmamahal ‘yan!” Muling bulyaw ng ama. “Hindi mo ba napapansin? Sa tuwing kasama mo

siya, parati kang napapahamak! Parati ka na lang nasasaktan!”

Pero mas masakit pa rin ang ganitong pagtrato nyo sa ’kin, dad. Gusto sanang sabihin ni Holly pero sa

huling sandali ay natakot siya. Nang mag-angat siya ng mukha ay nakita niyang hawak na ng ina sa

braso ang ama na para bang pilit na pinakakalma ang huli. Ano bang nangyari sa kanilang tatlo? Hindi

naman sila dating ganoon. Iyon pa lang ang pangalawang beses na nasigawan siya ng ama. Ang una

ay noong suwayin niya ito sa simbahan noong araw ng kanyang kasal.

“Ni hindi pa nga magaling ang binti mo! And now, you were almost killed! At anong susunod, Holly, ha?

Hindi ka na nadala!”

“But I really do love Aleron, daddy. If you will only hear him out the moment he wakes up, you will

understand.” Nagpapaunawang wika ni Holly. “Kung hindi lang nangyari ‘yong insidente sa

sementeryo, pupuntahan sana namin kayo ni mommy para magpaliwanag. What happened back at the

cemetery wasn’t Aleron’s fault, dad.”

Nakausap na ni Holly si Nick, ang driver ng nobyo. Noong kinausap ng doktor ang mga magulang niya

ay sandaling nakapuslit si Nick para kamustahin siya. Isinalaysay nito sa kanya ang nangyari. Ito rin

ang siyang tumawag sa mga magulang niya. Mabuti na lang at may numero pa rin ang mga magulang

niya sa phone book ni Aleron. Ayon rito ay kitang-kita daw nito ang pag-aalala ng mga magulang niya

noong sumugod ang mga ito sa ospital. Pero wala ni bakas ng sinasabi nitong pag-aalala ang makikita

sa mukha ng mga magulang ngayon.

Ayon rin kay Nick ay nasa katabing kwarto niya lang si Aleron na kahit stable na rin ang kalagayan

gaya niya ay hindi pa rin nagkakamalay. Kahit paano, iyon ang nagpalakas sa loob ni Holly, ang

kaalamang pareho silang nakaligtas ni Aleron. Sa kabila ng matinding sakit sa katawan lalo na sa

kanyang likuran ay wala siyang pinagsisisihan. Kahit ulit-ulitin pa ang nangyari ay sasaluhin niya pa rin

ang bala para sa binata.

Nahingan na siya ng statement ng mga pulis kaya maliwanag na alam ng mga magulang ang buong

nangyari dahil katabi niya pa ang mga ito nang magsalaysay siya sa mga nag-iimbestiga. Kaya hindi

niya maintindihan kung bakit si Aleron pa rin ang sinisisi ng mga ito.

“Anuman ang sabihin mo, hindi na magbabago pa ang isip ko. Hindi ko na siya kayang tanggapin pa

para sa ’yo. Ngayon kung magmamatigas ka, wala akong magagawa kundi ang papiliin ka. Ang Aleron

na iyon o kami ng mommy mo?”

Kung tutuusin ay walang pinili si Holly. Kailanman ay hindi niya makukuhang pumili dahil ang mga

magulang at si Aleron ang tatlong pinakamahalagang tao sa buhay niya. Kung mawawala ang isa sa

mga iyon ay parang nawala na rin ang malaking bahagi ng pagkatao niya. Pero nang tanungin siya ng

mga magulang kung sasama siya sa mga ito ay tumango lang siya. Wala ng iba pang usapang

nangyari.

Maayos na ang lahat sa pagitan nila ni Aleron. Tamang panahon na lang para sa kanila ang kailangan.

Pero ang sitwasyon nila sa kani-kanilang mga magulang ay nananatili pa ring komplikado. Iyon ang

dahilan kung bakit siya sumama sa mga magulang.

Araw-araw sa nakalipas na apat na bwan ay sinisikap niyang ibalik ang dating relasyon sa mga

magulang pero nananatiling malamig ang mga ito sa kanya. Kadalasan ay umiiwas pa rin ang mga ito

sa kanya na para bang hindi maatim na makita siya. At nang araw na iyon ay pinili niya na munang

magpahinga kahit sandali mula sa panunuyo sa mga ito, mula sa pangre-reject ng mga ito.

Bigla siyang inatake ng kapaguran, ng libong frustration at ng pagka-missed kay Aleron. May mga

gwardyang nagbabantay sa buong beach house nila kaya hindi rin siya makaalis kahit na sandali para

silipin man lang sana kahit mula sa malayo ang lagay ni Aleron. Putol rin ang mga linya ng telepono

roon. Iyon ang isa pang hindi niya maintindihan. Para siyang ikinukulong ng mga magulang sa piling ng

mga ito pero ayaw naman siyang makasama ng mga ito.

“You remembered.” Matipid na napangiti si Holly mayamaya. Inabot niya ang mga bulaklak sa ama. I

wish things will be different today. Naisaloob niya bago hinipan ang kandila sa cake. “Thank you.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.