Epilogue:
Pagmulat ng mga mata niya ay nakita na lamang niya ang kanyang sarili na nakatali ng makakapal at makapangyarihang kadena. Hindi ordinaryo at may basbas ng kapangyarihan ng mga diyosa ng asul na buwan.
"Nasaan ako? Bakit niyo ako ikinulong dito?" tanong ni Hyulle habang galit na nagsisigaw.
Nasa isang lugar siya na hindi niya kayang wasaking ang barier. Kinulong ang lakas niya.
At kinakilangan niyang mawasak iyon gamit ang sarili niyang kapangyarihan, kung hindi mamatay siya. Iyong ang isang bagay na ibinigay sa kanya bilang kaparusahan ng diyosa ng asul na buwan. Nang dahil sa kanyang kapangahasang sipingan ang werewolf na si Polina na may dugong diyosa at nag-iisang prinsesa ng mga puting lobo. Naiiba sa lahat ng uri ng mga werewolf. Kaya naman ang mga elder ng mga black werwolf ay nagkaisang patayin siya at ikulong sa isang kulungang hindi niya magagawang takasan.
Sa other world, doon na raw siya malilibing.
"Hindi maari! Hindi ako papayag na hindi na kami magkita pang muli ni Polina! Hindi!" malakas na sigaw na umalingawngaw sa buong kweba kung saan nila ikinulong at pinahirapan si Hyulle.
"Tumigil ka! Hindi ka na makaalis rito, tiyak na kapag dumating ang panahon ng iyong paglaya, tiyak naming wala ka nang buhay pa Hyulle, kaya hindi mo na makakasama ang babaeng werewolf na iyon!"sambit pa ng kanyang ina. Sabay talikod na habang malakas na tumatawa.
Ang parusa ay araw-araw na dumarating ang mga mababangis na wolf doon upang pagtulunagn siyang kagatin. At ang bawat kagat ng mga matatalim na pangil ng mga wolf na hayop ay nagbibigay sa kanya ng halos apat na ulit nang sakit. Tumatagal at lumilipas ang mga taon ng pagkakakulong niya roon. Hindi tumitigil ang mga elder sa ginagawang pagpapahirap sa kanya. Walang tubig, o anumang makakain ang ibibinibigay sa kanya.
Halos mamatay ang katawan ni Hyulle, ngunit nanatiling buhay at gising ang kanyang isipan. Araw-araw naririnig niya ang tinig ni Polina, tinatawag siya nito at hinahanap. Araw-araw naririnig niya ang mga hikbi ng babaeng pinakamamahal, nagkahiwalay sila, matapos ang isang gabing pagniniig nila, naparusahan siya ng diyosa ng asul na buwan, nang dahil sa mga apila ng mga elder werewolf na namumuno sa kanilang mundo. Masama ang kanyang ina, hindi niya ito mapapatawad sa mga ginagawa nitong kamalian sa kanya. At kay Polina. Ngunit lubos siyang umaasa na matatapos niya ang kanyang parusa, sa takdang panahon, at makakabalik siya ng buhay sa minamahal niyang si Polina.
May mga iba't ibang klase ng mga nilalang ang nagtutungo roon upang saktan siya at pahirapan, at sa pagdaan ng mga panahon, patuloy pa ring naging matatag si Hyulle, alam niyang nababawasan ang kapangyarihan ng mga kadena na siyang gumagapos sa kanya. Kaya naman ng matapos niya ang sampung libong taon, ay nagawa na niyang matanggal ang mga kadena sa kanyang mga kamay. At ubod lakas naman niyang pinag-eensayuhang matanggal naman ang mga kadena sa kanyang mga paa. Alam niya kapag nakawala na siya roon, malaya na siyang makakabalik sa kanyang asawang si Polina.
Makalipas nga ang sampung lingbo at limang daan taon sa other world ay nakalaya na siya. Tila isang hayop na ang kanyang itsura, tulad ng mga werewolf na halimaw, walang pandinig, ngunit may paningin pa siya, hindi na niya alintana pa ang kanyang itsura, kung makikilala pa ba siya ni Polina.
Nagbalik siya sa kanyang mansiyon, at sinisikap niyang magpakita kay Polina, ngunit hindi siya nito nakikilala at nararamdaman, dahil sa kanyang mahinang kapangyarihan. Ngunit nang makita niya ang isang gwapong binata na naroon, nilakasan niya ang loob niya at inipon ang kapangyarihan, sa pagaakalang ibang lalaki ito na nag-nanais na umagaw sa kanyang asawa. Malakas ang loob niyang nais niyang patayin ang lalaki. Ngunit nalaman niya na anak pala niya ang lalaking iyon. At ngayon ay masaya na silang nagsasama.
WAKAS...