CHAPTER 2 - 20 Years Later
Year 1991
Nasa loob na siya ng malaking masiyon ng mga Elgrande, ang pinakamayamang pamilya sa kanilang baryo, at ang mga ito ang nagmamay-ari ng nag-iisang mansiyon sa lugar nila. Ngunit iilan lamang ang mga tagapagsilbi sa mansiyong iyon.
Maging siya ay nagtataka kung bakit sa kabila ng kayamanan ng mga ito ay napakatipid nito sa mga tagapaglingkod. Si Manang Martha ang mayordoma sa mansiyon. Kasama ng dalawang katulong.
"Bale apat lamang tayong katulong dito. Eto isuot mo ang uneporme mo. Ang trabaho mo rito ay linisin ang mga kwarto ng amo. Maliwanag?" Tanong nito sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata, at indi na bago iyon sa kanya. Namana niya kasi ang kakaibang kulay ng mga mata ng kanyang ina. Kulay berde iyon, at alam niyang itatanong nito ang bagay na iyon.
"Hindi po ako foreigner, wala po akong lahing kahit na ano, hindi rin po pok pok ang nanay ko," mabilis niyang sambit.
Naubo naman ito sa mga sinabi niya, paano ay naririnig niya ang bawat sinasabi ng isipan nito. "B-bakit mo nasabi iyan? Ineng huwag mong ugaliin iyan," sambit nito sa kanya.
"Ang alin po?" kunwari ay tanong niya sa matandang nagdadahilan lamang.
"Ang pagiging mapanghusga, mali iyan." Ikinumpas pa nito ang mga kamay nito sa hangin. "O siya, alam mo na bang gagawin mo?" tanong nitong muli sa kanya.
"Kanino lang hong k'warto ang lilinisin ko?"
"Aba kay hina ng utak nito." Narinig na naman niyang sinabi ng isipan nito. Napapailing na lamang siya sa mga naririnig niya mula sa isipan ng matanda. "Iyong kwarto lamang doon sa itaas. 'Yong kay Sir Hyulle lang." Itinuro pa ang hagdanan na natatanaw rin niya.
"Okay po. Pasensiya na po kung mahina ang utak ko." Sabay yuko niya at tungo na muna sa kanyang silid upang magbihis. Medyo nanibago siya ngunit kabisado na kaagad niya ang daan patungo sa mga silid ng mga maids. Kaya naman nang naroon na siya ay agad siyang nagbihis. Nagulat pa siya ng makasalubong niya si Aling Selya. Kapangalan ng kanyang Lola. Tulad ng Lola Sonya, niya ay may kasungitan din ang unang tingin niya kay Aling Selya. "Ba-bakit ho?" napapatanga siya dahil sa titig na titig ito sa kanya.
"Hoy! Wala ka bang lahing aswang? Kasi diba galing pa kayo sa bundok ng Kanlaon?"
"Manang naman po, porke ho ba laking bundok ay aswang na?" natatawa niyang sagot sa matanda. Umiling-iling na man ito at iniwan na siya sa kanyang silid.
IKATLONG ARAW pa lamang niya sa mansiyon ngunit sa loob ng tatlong araw na iyon ay hindi pa niya nakikita ang mga amo niya. Kaya ang toka niya tuloy na paglilinis sa mga silid ng mga ito ay hindi niya nagagawa. Atat na atat na siyang linisin ang silid ng anak na lalaki ng mga amo nila.
Nasa ibang bansa kasi ang mga magulang nito, at ang binata naman ay hindi pa umuuwi galing sa ibang lugar. Hindi rin daw alam ng mga katulong kung saan-saang lugar ito nagtutungo. Kahit pa nga si Manang Martha, na bata pa ang amo nilang si Yhulle ay naroon na ito, ngunit hindi rin alam kung kailan babalik ang binata.
Habang abala siyang naglilinis sa library, nagulat siya ng may biglang magsalita, "Who are you? And What did you do here in my library?"
"Ay palaka ka!" maibulalas niya at nabitiwan pa niya ang isang aklat na binabasa niya habang naglilinis siya sa library, doon sa itaas ng mansiyon. "Nako, sorry po!"
"Sino ka ba?" nakasimangot nitong tanong sa kanya, matangkad na lalaki ito at napakaputi, may pagka-chinito rin ang mga mata nito.
"A-ako po si Polina, b-bagong katulong po dito sa mansiyon," sambit niya pa rito habang nakayuko pa rin.
"Up!" sambit nito sa kanya, at nang hindi niya gawin ang sinasabi nitong pagtingala dahil kinakabahan siya; lumapit ito sa kanya at bahagya ring yumuko upang silipin ang mukha niya. Nagulat naman siya kaya siya napatingla ng ulo niya dahilan upang tamaan ito sa noo.
"Outch! Your so rude! Alam mo nakakatakot kang lapitan, disgrasya pala ang aabutin ko sa iyo," gigil na sambit nito sa kanya sa mahinang tinig habang hawak ang baba. Siya naman ay napapahiyang umatras ng kaunti habang hinihimas din niya ang ang bunbunan niyang tinamaan ng baba nito.
"Sorry po talagta sir." Yumukod pa siya ng ilang ulit sa binata.
"By tha way, I'm Yhulle." Sabay lahad nito ng isang palad sa kanya. Nag-aalangan naman niyang tinitigan lamang ang lalaki sa mga mata nito. Isang bagay ang ipinagtaka niya, wala siyang naririnig na sinasabi ng utak nito. "Hey!" untag nito na nagpagulat sa kanya dahil nang tapikin siya nito sa balikat ay may kakaiba siyang nadama.
Ang pagdampi ng mga dulo ng mga daliri nito ay nagdulot sa kanya ng kakaibang kuryente at enerhiya. "Sorry Sir, Polina po ang pangalan ko," paulit-ulit niyang sambit sa binata.
Bahagyang natawa ang binata sa kanya at naiiling na iniwan na lang siya nito. Umalis ito at tumungo sa sarili nitong silid, siya naman ay nagpatuloy sa paglilinis ng mga aklat at ng buong library, kahit na naguguluhan pa siya sa mga nangyari kanina.
"Siguro ako lang ang nakaramdam noon, kasi ako lang naman ang naiibang nilalang dito, wala nang iba," nasabi pa niya sa kanyang sarili.
SAMANTALANG lingid sa kaalaman niya, naramdaman din ni Hyulle, ang mga narandaman niya. Nakahiga ito sa sariling kama habang tinititigan ang mga daliring dumampi sa kanyang balikat. "How so rude!" sambit nito sa isipan lamang.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
Nang makababa na siya galing sa library makalipas ang ilang oras, gulat at nanglalaki ang mga mata, ng mga kasamahang matatanda, "Ano tapos ka nang maglinis ng library Polina?" nagtataka na natanong ni Manang Martha sa kanya. "Ano, tapos na raw siya?" sigundang tanong ni Aling Selya na gulat na gulat din. Siya naman ay naguguluhang napapatango sa dalawang matanda. Nagtataka siya sa mga reaksiyon ng mga ito "Baka naman hindi mo nilinis ng maayos?" tanong muli ni Aling Selya.
"Ho? Nilinis ko po talaga, kung gusto niyo po tingnan niyo pa," sabi pa niyang malakas ang loob dahil alam niyang nilinis niya talaga, maging ang lahat ng aklat ay isa-isa niyang pinunasan. "Hindi na kailangan, tinulungan ko po siya," narinig naman nilang bigla ang tinig ng kanilang amo na si Hyulle.
"S-Sir Hyulle, kailan pa po kayo dumating?" tanong ni Manang Martha.
"Kanina lang po, at tinulungan ko po si Polina 'ng linisin ang two hundres thousand pieces na mga libro duon, at tinulungan ko rin po siyang linisin ang halos apat na kwarto ang luwang na silid sa itaas, isang palapag po kasi ang lawak ng library," sambit pa ni Hyulle habang iminumuwestra pa nito ang mga kamay sa kaniya. "Diba po, napakaimposibleng malinis iyon ng isang ordinaryong babae lamang na tulad niya, ang liit pa niya," dugtong pa ni Hyulle na sa kanya nakatingin habang sinasabi ang mga salitang iyon. Na para bang sa kanya nais ipaalam na napaka imposible ng mga nagawa niya, para sa isang ordinaryong babae lamang.
"Ah, eh kung kayo naman pala Sir ang tumulong sa kanya, edi maniniwala na po kami, pero tiyak po ba kayo na kinaya ninyo pong dalawa na linisin iyon?" tanong ni Aling Martha.
"Oo nga sir, kasi ako nagtawag pa ako ng limang kasama para malinis namin iyon sa loob ng isang linggo?" singit na naman ni Aling Selya.
Natatawa naman si Hyulle, at umakbay sa kanya. "Nako po, mga Manang, hindi po kasi kami nagpahinga, kahit na isang segundo, hayaan niyo na po iyon, gusto niyo po bang linisin uli ang library?" tanong ng binata sa dalawang matanda. Siya naman ay nagulat sa biglang pag-akbay sa kanya ng amo niyang si Hyulle.