CHAPTER 11
Natigilan si Hyulle ng marinig nitong sinabi ni Polina. Alam niyang ito ang lalaking nakatakdang pumatay sa kanya. "P-paano mong---"
"Paano kong nalaman? Sa huling sandali bago kunin ni Fillberth si Shiera, narinig ko ang laman ng isip niya, narinig ko na gusto niya akong tulungan dahil papatayin mo ako!" paliwanag ni Polina. Napayuko si Hyulle, nakita niyang bumagsak ang balikat nito. At lumakad muli palapit sa kanya. Ngunit nagulat ito ng makita nitong may hawak siyang punyal, at itinutok niya sa sarili niyang leeg. "Polina! Bitiwan mo iyan!" nag-aalalang sambit nito sa kanya.
"Bakit? Dahil ba sa hindi maaring kitlin ng prinsesa ang sarili niyang buhay?" matapang niyang sambit kay Hyulle. "Mas mabuti na ito, kaysa naman yurakan ko ang aking pagkatao, at ibigay sa iyo ang sarili ko, hindi Hyulle, hindi ko gagawin iyan!" matapang niyang sambit. Nagulat ang binata dahil may nakita itong malakas na awra ng kapangyariahan na bumalot sa buong katawan niya.
"Sige na, hindi ko na pipiliting kunin ang isang bagay na ayaw mong ibigay sa akin, hindi pa ngayon, pero alam kong magiging akin ka rin," bahagyang ngumiti si Hyulle tapos ay para itong bulang naglaho sa kanyang harapan. Doon pa lamang siya nakahinga ng maluwag. Mabilis niyang itipanapon ang punyal na kanina ay hawak niya at itinutok sa sariling leeg. Nagtataka rin siya sa kakaibang tapang na ipinamalas niya kanina.
Napaupo siyang pabagsak sa kama. Saka pa lamang niya na-realize na wala pa rin siyang saplot sa katawan. Hubad siyang nakikipag talastasan kay Hyulle. Napahawak siya sa kanyang mga pisngi dahil alam niyang sing pula na iyon ng mansanas dahil sa kahihiyang nararamdaman niya ng mga oras an iyon.
Umalis siya sa mansiyon at nagdesisyong umuwi sa bahay nila ng kanyang Ina, Lolo at Lola. "Anong ginagawa mo rito Anak?" nagtatakang tanong ng kanyang Inang si Patricia.
"Dito na po muna ako," maiksi niyang tugon.
Lumakad siyang papasok sa loob ng maliit na kubo nila. Doon ay inilapag niya ang kanyang dalang bag. Alam niyang nagtataka ang kanyang ina. At ang Lolo at Lola naman niya ay iba-iba na rin ang mga tumatakbo sa isipan ng mga ito. "Huwag po kayong mag-alala, nagbabakasyon lang po ako rito, aalis din po ako pagkalipas ng isang buwan," sambit niya sa mga ito. Nakita niya ang pagtataka sa mga mata ng mga ito, at ang una niyang pinag-aralan ay ang huwag pakinggan ang mga sinasabi ng mga isip nito patungkol sa kanya. Ayaw na niyang magbasa ng mga nilalaman ng mga isip ng mga ordinaryong tao.
Gusto niyang maging ordinaryo, nalaman niya sa mga librong nabasa niya na napakarami niyang kakayanan, mayroon siyang kapangyarihan na magpagaling ng karamdaman, at may kakayahan siyang magpayaman kung gugustuhin niya ay magagawa niyang pantayan ang yaman ng buong pamilya ni Hyulle. Ang tagal nilang nagtiis sa hirap dahil wala siyang alam, hindi niya alam ang mga kapangyarihang mayroon siya.
Ngunit inadya na marahil ng kapalaran upang may matuituhan siya, upang magamit niya iyon. At nang wala nang umapi pa sa kanila. "Anak, anong iniisip mo?" tanong ng ina niya.
"Nay, bakit pinalaki niyo kong normal na tao? Kahit na alam niyo naman na hindi normal na tao ang ama ko?" mayhinananakit niyang tanong sa ina.
"Nababasa ko ang mga inisip ng lahat ng taong nakakasalamuha ko, maliban sa mga tulad ko," sambit niya sa ina. Ngunit nagulat siyang tila hindi na nagugulat ang kanyang ina sa mga sinasabi niya.
"Alam ko, patawarin mo ako, kung naglihim ako sa iyo," sagot naman nito sa kanya.
"Bakit ganon? Alam niyo pala?"
"Anak, sinikap kong itago sa iyo dahil ang nais ko sana ay lumaki kang normal, kaya lang may nakapagsabi sa akin na ikapapahamak mo ang ginawa ko," sambit ng kanyang ina.
Nanlaki ang mga mata niya, napalingon siya sa ina at nagtanong, "Sino po?"
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"Isang lalaki at babae ang nagtungo rito, hinahanap ka nila sa 'kin, sabi ko nga nasa mansiyon ka ng mga Elgrande," paliwanag nito. At ayon sa diskripsiyon ng kanyang ina. Alam niyang sina Shiera at Fillberth ang mga iyon. Kaya naman naisip niyang hanapin ang mga ito, upang makausap at alamin ang totoo.
Kaya nang gabing iyon ay hindi siya dinalaw ng antok, ngunit iniwasan niyang lumabas ng bahay upang hindi masilayan ang bilog na buwan, ayaw na niya munang magpalit anyo, alam niyang malalaman ni Hyulle kung magpapalit siya ng anyo dahil alam niyang nakabantay ito sa kanya. Ngunit sa kalaunan ay pumapasok naman sa kanyang isipan ang binata, kahit na hindi niya gustong isipin ito.
"Ano ba itong nangyayari sa akin?" tanong niya sa sarili. Dahil sa si Hyulle ang pumapasok sa isipan niya. Ang matalim na mga titig nito sa kanya. At ang mga mapangahas na halik nito sa kanya. Alam niyang hindi niya dapat isipin iyon. Pero parang mapaglaro ang kanyang isipan na si Hyulle ang palaging dumadako sa isipan niyang ayaw dalawin ng antok.
Napabangon siya, napansin niya ang mga likidong marahang pumapatak mula sa kanyang leeg pababa. Marahil ay nakadarama siya ng init sa kalagitnaan ng gabing iyon. Tuluyan siyang nagbangon at tinungo ang kusina. Maliit lamang ang kanilang kubo, kaya naraanan niya roon ang papag na hinihigaan ng kanyang Lolo at Lola. Alam niyang may kakayahang magpagaling ang laway ng isang werewolf, sugat man o karamdaman.
Pero hindi niya alam kung paano niya magagawa iyon kung wala siyang lakas ng loob na magawa iyon, kinakilangan niyang ipunin ang laway niya upang makapuno siya ng isang kutsara manlang. At iyon ang ipapahid niya sa katawan ng kanyang lolo. Upang gumaling na ito.
Nabasa rin niya sa libro na may kakayahan din siyang makagawa ng mga batong diamante mula sa mga ordinaryong bato, sa pamamagitan ng inipon niyang lakas. Pero paano niya magagawa iyon kung hindi niya magawang kontrolin ang kanyang kapangyarihan. Lahat ay maari niyang magawa kung siya ay malakas na.
"Huwag mo nang gawin ang mga iniisip mo," mahinang tinig ng kanyang ina.
"Inay, g-gising pa pala kayo?"
"Oo at alam kong may mga pinaplano ka, huwag mong ituloy anak," sambit ng kanyang ina.
"Bakit po? Ayaw niyo bang makaranas ng kagalingan ang Lolo at Lola, at karangyaan dito sa lupa? Para wala nang mang-aapi sa inyo," naluluha niyang tanong sa ina.
Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!
"Kung gusto ko, edi sana hindi na kita pinalaking normal na tao, kung nais ko edi sana hindi ko na inilihim pa sa iyo ang lahat," sagot pa ni Patricia.
"Iyon na nga po ang ipinagtataka ko, hindi ako normal, pero pinaniwala mo akong normal lang ako, na ordinaryo lang ako, at lumaki akong kinatatakutan ako ng lahat dahil sa kakaiba kong mga mata, pero sa tingin niyo po ba itinuring akong normal ng mga tao? Diba po kayo, hindi rin dahil sa mga mata mo?"
"Dahil tao ka! Para sa akin anak, isa kang napakagandang tao, isang nilalang ng Diyos,"sambit nito.
"Oo nga pero iba! At hindi tinatanggap ng mga paniniwalang iyan ang katotohanan na iba ako, isang malapantasyang nilalang, na hindi aakalain ng mga tao na totoo!" At tuluyang pumatak ang mga luha niya. At nagulat siyang naging mga diamante ang mga iyon na nahulog sa sahig. Kumikinang iyon. At napaluhod siyang dinampot ang mga iyon.
"Huwag na Polina, itapon mo ang mga iyan, ayaw kong gamitin iyan, hayaan mo na kaming mamuhay ng normal," sambit nito muli.
"Inay, alam kong hindi ka normal, hindi ko alam kung paano, pero ako ay hindi normal nang dahil sa mga mata ko na namana ko sa iyo." tumalikod na siya sa ina at nagbalik sa papag na hinihigaan.
Alam niyang walang halaga sa kanyang ina ang yumaman o hindi, sanay na ito sa mahirap na buhay. Kaya naman nagdesisyon na siyang umalis sa pagsapit ng umaga.
Kinaumagahan ay hindi napakali si Hyulle. Naririnig niya ang mga inisip ni Polina kahit na malayo ito sa kanya. Alam niyang nagnanais itong katagpuin sina Fillberth, at rumagasa ang matinding panibugho sa kanyang kalooban.
Ayaw niyang makita na may ibang lalapit na werewolf sa babaeng itinakda ng langit para sa kanya. Hindi niya akaling ganito pala siya kaseloso, noon naman ay wala siyang pakialam sa mga babaeng nagdaan sa buhay niya. Sa tagal ng panahong inilagi niya rito sa mundo ng mga tao, marami na ring mga tao at babae ang nakasalamuha niya. At marami na siyang nakarelasyon, ngunit ngayon lang siya nakadama ng ganoong kaagresibong damdamin para sa isang babae. Pabagsak niyang ibinababa sa lamesa ang mga hawak na kubyertos, nagulat ang mga tagapagsilbing sina Aling Martha, at Aling Selya na noon ay naroon upang magsilbi sa kanilang amo.
Biglang tumayo si Hyulle, at walang ano-anong umalis sa harapan ng mesa.