The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan

Chapter 16



Chapter 16

DAHAN-DAHANG nag-angat ng mukha si Ansel nang marinig ang paghinto na iyon ng isang sasakyan

hindi kalayuan sa kanya. Nasa harap siya ng gate ng mga Villareal nang mga sandaling iyon, ang

pamilyang halos isang buwan na lang ay legal nang kabibilangan ni Yalena. Parang lason ang

katotohanang iyon na sumisira sa kanyang puso.

Kay tagal niyang naghanap kay Yalena. Kay tagal niyang naghintay. Mahigit tatlong taon ang inabot

bago sa wakas ay nagkaroon ng resulta ang imbestigasyon ng mga private investigators na inupahan

niya. Kaya pala kahit ano ang gawin nilang paghahanap sa Pilipinas ay hindi nila matagpuan ang

dalaga, iyon pala ay nasa ibang bansa ito na halos pitong libong milya ang layo mula sa kanya. Yalena

was in the Rose City. Nasa Portland ito na halos labing-apat na oras ang biyahe sa eroplano mula

Maynila.

Pag-angat ni Ansel ng tingin ay sumalubong sa kanya ang isang kulay-dilaw na kotse. Dahil hindi tinted

ang sasakyan, sa driver’s seat niyon ay natanaw niya sa kauna-unahang pagkakataon matapos ang

tatlong taon, apat na buwan at anim na araw, si Yalena. Kitang-kita niya ang pagkabigla sa anyo ng

dalaga.

God… he had missed that beautiful face. Ginusto niyang lumapit sa kotse nito pero nag-aalala siyang

baka matakot ito at paandarin palayo ang kotse. Ngayong nakita niya na ang dalaga ay natatakot

siyang magsayang pa ng oras. Natatakot siyang muli itong magtago. Kaya sa kabila ng pamimigat ng

dibdib ay pilit na pinanatili niya ang mga paa sa kinaroroonan.

Sila lang ng mga kapatid ang nakakaalam kung nasaan si Yalena. Pansamantalang inilihim nila iyon

kina Maggy at Clarice sa pag-aalalang magmadali ang mga itong puntahan si Yalena. Ayaw nilang

maalarma ang dalaga. Siya man ay hindi pa dapat magpakita rito dahil siya ang nasisiguro niyang mas

iniiwasan nito pero hindi niya mapigilan ang sarili.

May inabot na parang maliit na remote control si Yalena. Sa isang iglap ay bumukas ang gate.

Ipapasok na sana ng dalaga ang kotse sa loob ng bahay nang humarang si Ansel sa daraanan nito.

Nang akmang sasagasaan siya ng dalaga ay hindi siya natinag. Pero huminto rin ang sasakyan nang

kaunting-kaunti na lang ang pagitan ng kanyang katawan sa bumper niyon.

“Please, Yalena. Let’s talk first. Ngayon lang tayo nagkita pagkatapos ng mahabang panahon. Harapin

mo naman ako. Kausapin mo naman ako kahit sandali lang,” nakikiusap na sinabi ni Ansel. Napalunok

siya nang makita ang pagsiklab ng galit sa mga mata ng dalaga. Hindi niya ito masisisi. Dahil ganoong-

ganoon din ang sitwasyon nila mahigit tatlong taon na ang nakararaan.

Ang pagkakaiba nga lang ay siya ang nasa kotse at ang dalaga ang siyang humaharang sa kanyang

daraanan. Ilang ulit nitong ginawa iyon noon. Ilang ulit itong nakiusap, katulad na katulad ng pakiusap

niya nang mga sandaling iyon. Namasa ang kanyang mga mata.

Ang buong akala ni Ansel ay naihanda niya na ang sarili sa galit ni Yalena pero hindi pa pala. When

she looked at him, he was seeing the kind of person he thought about himself: a murderer. Nang hindi

niya matagalan ang mga nakapapasong titig nito ay unti-unting nagbaba siya ng tingin.

Ilang sandali pa ay narinig ni Ansel ang pagbukas ng pinto ng sasakyan at ang mga yabag na iyon

palapit sa kanya.

“Nasasayang ang oras ko, McClennan. Magsalita ka na,” ani Yalena sa nagyeyelong boses.

ARAW-ARAW sa nakalipas na mga taon, hinanap kita. Ngayong nakita na kita, hinahanap pa rin kita.

Hinahanap ko ‘yong mga matang puno ng pagmamahal kung tumitig sa akin dati. Hinahanap ko ‘yong

boses na dati-rati ay puno ng lambing kapag kausap ako. Pero wala na siya. One look at you and I

knew, the Yalena who once loved me is gone.

Nababaliw na si Ansel para hanapin pa ang dating Yalena samantalang siya ang dahilan kung bakit ito

nagbago. Napakarami niyang sinaulong sasabihin pero hindi niya alam kung paano magsisimula.

Ikinuyom niya ang mga kamay para pigilan ang mga iyong abutin at yakapin ang dalaga.

“Kumusta ka na?” sa halip ay tanong niya.

“Maayos na sana ako kaso nakita kita. Ngayon kung ‘yon lang pala ang ipinunta mo rito, makakaalis ka

na. `Wag kang mag-alala, as you can see, buhay pa naman ako pagkatapos nang mga ginawa mo.

Now, I don’t wanna be rude but I don’t really want to talk to you. Please get out of my way—”

“I never got the chance to apologize.” Sinikap ni Ansel na salubungin ang mga mata ni Yalena.

“And I never got the chance to slap you… not even once,” ani Yalena saka umigkas ang palad nito sa

pisngi ni Ansel. Dalawang beses iyon. “The first one is for me. The second is for my baby. Siguro

matatahimik na rin ako nito. Naiganti ko na ang anak ko kahit paano.”

Parang dinurog ang puso ni Ansel nang makita ang pagrehistro ng sakit sa mukha ni Yalena. “I’m

sorry,” naghihirap ang loob na sinabi niya. “I’m so sorry. I’m sorry I hurt you. I’m sorry I—”

“But I wasn’t just hurt, Ansel!” bigla ay sigaw ni Yalena. “I wasn’t just angry! I wasn’t just betrayed! I was

more than those! I was… shattered. I was…” Mayamaya ay mapaklang natawa ang dalaga kasabay ng

pagtulo ng mga luha nito. “See? I couldn’t even think of a word to describe it. It was that horrible, Ansel.

Ipinangako ko sa sarili kong hindi na ako magiging mahina uli. Pero dumating ka. Sa isang iglap,

ibinalik mo lahat ng masasamang nangyari sa buhay ko. You really have this habit of making me

miserable.” Mariing pinunasan nito ang mga luha. “Ngayon, utang-na-loob, umalis ka sa daraanan ko.

Get out of my way! Get out of my life!”

Napaatras si Ansel sa puno ng poot na pagsigaw ni Yalena. Dere-deretso namang ipinasok ng dalaga

ang kotse nito sa loob. Ilang sandali pa ay agad ding awtomatikong sumara ang mataas na gate.

Naihilamos niya ang palad sa mukha.

“You really have this habit of making me miserable.”

Napahugot siya ng malalim na hininga. Paano… paano ba siya mapapatawad ni Yalena kung tuwing

nakikita siya nito, puro sakit at kamiserablehan ang hatid niya rito?

Pero sa kabila niyon ay hindi pa rin mapigilan ni Ansel ang hindi magpakita sa dalaga. Kahit na

maaanghang na salita ang lumalabas sa mga labi nito ay gusto niya pa ring marinig ang boses nito

dahil kay tagal niyang kinasabikan iyon.

Sa nakalipas na mga taon ay puro ang boses lang ni Yalena sa necklace recorder nito ang naging

paraan niya para mapakinggan ito, para maibsan kahit paano ang pangungulila niya rito. Sobra-sobra

rin ang pasasalamat niya kay Alano na binigyan siya ng kopya ng video clip na kinuha ni Clarice kay

Yalena noong nasa ospital ang mga ito at nagli-labor si Maggy. Iyon ang nagsilbing paraan niya para

patuloy na makita ang ngiti ni Yalena na noon ay punong-puno pa ng buhay.

Ayon sa private investigator na nakahanap kay Yalena ay nakatakda na raw ang kasal si Yalena kay

Bradley Villareal, isang sikat na bokalista ng isang tinitingalang banda.

I’ve just found you again, Yana… How can I let you go this soon?

NAHINTO sa pag-piano si Bradley nang makita ang pagpasok ni Yalena sa sala ng kanilang bahay.

Kanilang bahay. Walang araw na hindi niya inasam na sana ay maging permanente na sa bahay na

iyon si Yalena. Walang araw na hindi niya inasam na dumating ang sandaling sasabihin nitong, ‘bahay

natin’ imbes na ‘bahay mo’ o `di kaya ay ‘bahay n’yo ni Martina.’

Nakahanda siyang ibigay sa dalaga ang lahat-lahat ng gusto nito. Tatlong taon silang hindi umuwi ni

Martina sa Pilipinas dahil ayaw nilang iwanan si Yalena sa Portland, dahil hindi pa ito handang

tumapak uli sa Pilipinas. Wala siyang hindi gagawin makita lang ang pagngiti nito. Because the very

moment he saw Yalena smile for the first time years ago, he knew he would do anything and everything

to be able to see that smile again. Pero nitong mga nakaraang araw ay napapansin niyang may

nagbago sa mga ngiti ni Yalena. Hindi na iyon tumatagos sa mga mata nito. At nang umagang iyon ay

natuklasan niya kung bakit.

Sinadya si Bradley ng isang lalaki sa recording studio kung saan nila ginagawa ng mga kabanda ang

kanilang panibagong mga kanta. Nagpakilala itong Ansel McClennan. Sa parking area na lang sila

nakapag-usap dahil alam niyang naantig ni Ansel ang curiosity ng mga kabanda niya. Pigilan niya man

ay makikiusisa pa rin ang mga iyon sa magiging usapan nila ng bagong dating. Bukod pa roon ay

sandaling panahon lang ang kaya niyang ibigay sa lalaki dahil kinailangan niya ring bumalik agad para

tapusin ang recording, ang magiging CD niyon ang siyang plano niyang iregalo kay Yalena sa nalalapit

nilang kasal.

“I did a background check on you, Villareal. Kaya alam kong dapat huminto na ako. Dahil background

pa lang, talo na ako. You came from a respected family. And if Yalena’s parents’ are still alive, I know

they would have liked you for their daughter. Dahil kilala at respetado rin ang mga de Lara sa Manila.”

Hindi nakaligtas kay Bradley ang pait sa boses ng lalaki. “I’m Ansel, by the way. Ansel McClennan,

Yalena’s bastard ex.”

Kilala ni Bradley si Ansel, hindi sa mukha kundi sa pangalan. Hindi niya na mabilang kung ilang ulit

nang binanggit ni Yalena noon ang pangalang Ansel sa bawat panaginip nito, panaginip na kung ituring

nito ay bangungot. Bukod pa roon ay nabanggit na rin ito ni Yalena nang minsang aminin ng dalaga sa

kanya ang tungkol sa nakaraan nito.

“Bakit ka naparito?” sa halip ay tanong ni Bradley.

“Mahal ko si Yalena, Villareal. Hindi ako tumigil na mahalin siya sa nakalipas na mahigit tatlong taong

nawala siya sa akin. Believe me, if there’s one thing I hate most in the world, it’s meddling with other

people’s business. Because I don’t want others to meddle with mine, too. Alam kong ikakasal na kayo

ni Yalena. Alam kong dapat manahimik na ako pero hindi ko pa kaya. Ayoko ring manggulo, pare.”

Bumakas ang hapdi sa mga mata ni Ansel. “Pero tulad mo, mahal ko rin siya. Hinanap ko siya. Hindi

naman ako natulog lang sa pansitan sa nakalipas na mga taon. Pero ngayon ko lang siya natagpuan.

“At gusto kong bumawi nang sobra-sobra dahil sa mga nagawa ko noon. And I will beg if have to. I will

beg for a second chance. That’s what I came here for. Gusto kong magpakilala sa karibal ko. Gusto

kong lumaban. Gusto kong matalo nang lumalaban tutal wala naman nang mawawala sa akin.”

Natawa si Ansel pero mapakla iyon sa pandinig ni Bradley. “Dahil lahat-lahat, nawala sa `kin nang

mawala si Yalena sa buhay ko. I’m sorry for being an ass. I just… I just love her, too, so much.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.