The Fall of Thorns 2: Austin McClennan

Chapter 2



Chapter 2

MAGGY smiled inwardly. Naramdaman niya ang paghinto ng kotse ni Austin. Ilang sandali pa ay

narinig niya ang tunog na na para bang mula sa binuksang gate. Mayamaya pa ay muling umandar

ang sasakyan at muli ring huminto kasabay ng pagpatay ng binata sa makina niyon. Binuksan nito ang

pinto sa gawi nito. Narinig niya ang pagbati ng katulong dito na sumalubong sa kanila.

“Pakihanda ang guest room, Esmeralda. Someone will be sleeping there tonight,” puno ng authority na

sinabi ni Austin bago narinig ni Maggy ang pagbukas naman ng pinto sa gawi niya.

Nagkunwari pa rin siyang tulog. Bukod sa kanyang anyo, ang husay sa pag-arte ay isa sa mga bagay

na namana niya sa kanyang ina. Miyembro siya ng drama club noong kolehiyo. Her mother used to be

a theatrical actress. Doon ito nakilala ng kanyang ama, nang magpunta ang grupo ng kanyang ina sa

Manila sa kauna-unahang pagkakataon para magtanghal sa isang theater doon ay nagkataong isa ang

ama sa mga nanood. Napilit ito ng Tito Roman niya, ang ama ni Clarice, na manood noong

kasalukuyan pang nililigawan ng huli si Carla, ang unang pag-ibig ni Benedict.

Dahil alam ni Roman na mababagot lang sa mga ganoong uri ng palabas ay isinama nito roon ang

kanyang ama na matalik na kaibigan nito. Simula noon ay hindi na raw tinantanan ng kanyang ama

ang kanyang ina. Kumirot ang puso niya sa naalala.

Napakaraming bagay na ipinagkait ng matandang McClennan sa kanila ng kapatid sa nakalipas na

halos labing-anim na taon. Kay tagal nilang nagdusa ni Yalena nang dahil lang sa pagiging sakim ni

Benedict. Mabuti pa si Clarice, kahit pa bumigay ang katinuan ng ina nito dahil sa mga nangyari noon

ay buhay pa rin naman iyon at nakikita nito hindi tulad nila ng kakambal. Sabay na namatay ang mga

magulang nila.

Nahinto sa pag-iisip si Maggy nang maramdaman ang maingat na pag-alis ni Austin sa kanyang seat

belt. Ilang sandali pa ay binuhat siya papasok sa nahulaan niyang tinutuluyan nito. She tried hard to

keep her breathing steady. Pero hirap na hirap siyang gawin iyon dahil langhap na langhap niya ang

swabeng amoy ng binata. Damang-dama niya rin ang malalapad at matitigas na dibdib nito,

palatandaang alaga sa ehersisyo ang katawan nito. Napatunayan niyang naiiba ito sa mga nerd na

lalaking nakilala niya na noon.

Una sa lahat ay elegante pa ring manamit ang binata, mahusay ito kung magdala ng sarili. Kahit

banayad ay puno rin ng authority ang boses nito kung magsalita. And he showed pure strength by the

way he carried her. Ramdam ni Maggy ang muscles ng binata sa magkabilang braso na para bang kay

gaan lang niya kung buhatin nito.

Ang nagpapatunay lang sa mga balitang geek ang binata ay ang salamin nito sa mga mata na lalong

nagpamukhang intelihente sa anyo nito. Pati na ang lifestyle nito, malayo sa outgoing pareho na mga

kapatid nito. Isa sa mga naibigay sa kanyang bahagi ng research ni Radha ay ang mismong sikat na

babasahing pambabae kung saan na-feature ang mga anak ni Benedict halos kalahating taon na ang

nakararaan.

According to Alano’s words there, Austin despised loud places, dahilan para bihira umanong sumipot

ang huli sa mga mahahalagang pagtitipon na isinasagawa ng kompanya ng mga ito. Bukod din daw sa

opisina nito ay ang library ang pinakapaboritong lugar sa mundo ng bunsong kapatid nito.

Ilang sandali pa ay umakyat ang binata sa hagdan at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa pumasok

ito sa isang kwarto. Marahang inihiga siya nito sa isang malambot na kutson. Strategy is indeed, the

key, naisaloob ni Maggy. Dahil nakapasok na siya sa mansiyon ng mga McClennan nang walang

kahirap-hirap. Alam niyang sa bahay na iyon din tumutuloy sina Ansel at Austin. Dati ay naroroon din si

Alano pero bumukod ito nang makapag-asawa.

Nagkunwari siyang naalimpungatan nang tangkang bibitiwan na siya ni Austin. Dahan-dahang ibinukas

ni Maggy ang kanyang mga mata. Sinikap niyang huwag maapektuhan sa mga matang iyon na para

bang mga mata mismo ni Benedict na nakatitig sa kanya.

Focus, Maggy. Focus. Ipinaikot niya ang mga braso sa batok ng nasorpresang binata na kay lapit lang

ng mukha sa kanya dahil nananatili pa rin ang isang braso nito sa kanyang likod. Nalanghap niya ang

mabangong hininga nito.

“Hello,” aniya sa namamaos pang boses.

“Ah, hi. I’m glad you’re finally…” Para bang tulirong tumikhim ang binata. “Awake.” Inalis ng binata ang

braso nito sa kanya. Napatitig ito sa mga labi niya at sunod-sunod na napalunok. “How are you…

feeling now?”

A knowing smile appeared on Maggy’s lips. Bahagya niyang iniangat ang katawan, mayamaya ay

inabot ang mga natural na mapupulang labi ni Austin at hinalikan. Sandali siyang sinorpresa ng mga

labi nito. Ilang beses na rin siyang nahalikan noon ni Levi pero hindi kasinlakas ng epekto ng halik ni

Austin. The effect of his lips against hers was… mind-blowing. Naramdaman niya ang pagtugon ng

malalambot na labi ng binata nang mukhang nakabawi na ito sa pagkabigla.

Para bang mas nakalalasing pa ang halik ni Austin kaysa sa natikmang alak bago niya ituloy ang plano

kanina sa parking area. Nakadadarang ang pagtugon nito pero pinilit niyang panaigin ang lohikal na

bahagi ng isip. This was just all part of the plan.

Nang maramdaman niya ang kagustuhan ni Austin na palalimin ang halik ay tumigil na si Maggy.

Humiwalay siya rito at ibinagsak ang sarili sa kama at nagpanggap na muling nakatulog. She almost

smiled when she heard him grunt.

You like me. You can never deny the fire in your eyes, Austin. Easy prey, aren’t you? Pakiramdam ni

Maggy ay ginagabayan siya ng mga namayapang magulang sa kanyang ginagawa dahil walang

kahirap-hirap na magtutuloy na siya sa ikalawang antas ng plano.

Whatever you are doing up there, Mom and Dad, thank you. I made it… with flying colors, I think.

“TEASE,” napu-frustrate na bulong ni Austin pagkatapos niyang makitang tulog na bumagsak ang

estranghera sa kama. Sunod-sunod na napahugot siya ng malalim na hininga. Ikinuyom niya ang mga

kamay para pigilang abutin ang dalaga. The kiss that just happened was probably the sweetest kiss he

had ever tasted in his life.

Taglay ng estranghera ang pinakamalalambot at pinakamatatamis na labing natikman niya. Ang alak

sa bibig nito ay lalo lang nakadagdag sa kakaibang dating ng halik nito. Pakiramdam niya ay siya ang

mas nalasing nang mga sandaling iyon. Kanina lang ay higit pa sa halik sa mga labi ang isinalubong sa

kanya ng isa sa mga babaeng sorpresa ng kapatid sa bar pero hindi siya nakaramdam nang ganoon

katindi. Hindi tulad ng kasalukuyang nadarama niya para sa tulog na tulog na estranghera.

Hanggang ngayon, pakiramdam ni Austin ay nararamdaman niya pa rin ang mga labi ng dalaga sa

kanyang mga labi pati na ang mga braso nitong yumakap sa kanyang leeg. Ilang sandali pa ay

bahagyang gumalaw ang dalaga sa kama, patalikod sa gawi niya. Sa ginawa nito ay muling nalantad

sa mga mata niya ang malaking bahagi ng mga hita nito. Napalunok siya.

Bago pa kung saan mapunta ang biglang naging malikot na imahinasyon ni Austin ay nagmamadaling

lumabas na siya ng kwarto. Nang masalubong ang isa sa mga kasambahay na si Esmeralda ay

inutusan niya itong palitan ang amoy-alak na damit ng dalagang bisita. Pero mayamaya ay napakunot-

noo siya nang may maalala.

Wala nga palang damit na pambabae sa kanilang mansiyon dahil hindi naman sila nagpapatulog ng

babae roon maliban sa Kuya Alano niya noon. Pero walang naiiwang bakas ng mga dinadala nitong

bisita. Ang kanyang ina naman ay isang beses pa lang nagpunta roon nang dumating sila mula sa

Boston pagkatapos ay sa iba’t ibang safe houses na ito nanatili kasama ang kanyang ama para

matutukan ang kalusugan ng huli. Sa kasalukuyan ay nasa Olongapo ang mga ito.

“Kumuha ka na lang ng kahit na anong damit ko sa kwarto na sa tingin mo ay magkakasya sa bisita.”

Hindi na pinansin ni Austin ang pagbakas ng curiosity sa mga mata ng kasambahay. Hindi niya maatim

na matulog sa hindi komportableng amoy at kasuotan ang dalaga.

Ilang sandali pa ay dumeretso siya sa library at kinuha sa shelf ang hindi niya pa natatapos na

basahing libro noong nagdaang gabi. He needed a distraction. And any topographical books were his

solution. Ang pagbabasa ang pampalipas oras niya. Pero kahit na ano ang gawin niya ay hindi siya

makapag-concentrate.

Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isip ang dalagang bisita sa guest room. Pagkalipas ng ilang minuto

ay nadidismayang isinara niya na ang libro at lumabas na roon. It seemed like the library wasn’t his

source of solace anymore.

Muling bumalik sa guest room si Austin nang masalubong si Esmeralda, palatandaan na tapos na ito

sa ipinagawa niya. Binuksan niya ang pinto ng kwarto. Agad na napangiti siya nang makita ang

dalagang suot ang malaking puting T-shirt niya at maluwang dito na pajama niya na ilang beses pang

itiniklop ni Esmeralda maipagkasya lang sa dalaga. She looked marvelous in his clothes. Naaaliw na

lumapit siya sa kama at dinukot ang cell phone sa bulsa ng kanyang slacks. Kinuhanan niya ng ilang

close-up na larawan ang dalaga. Sisiguruhin niyang makukuha ang pangalan at ang ilang

impormasyon tungkol dito sa oras na magising na ito.

Despite the slap and the hassles you gave me tonight, woman, I still think that this is one of the best

birthdays I ever had. All thanks to your kiss.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.