ONE WONDERFUL NIGHT

CHAPTER 28



Flynn Noah's POV:

I went straight to my condo after I brought Farrah home. I sat down on the couch, here in the living room area and immediately got my phone inside my pocket. I looked for Nana Thelma's number and decided to message her. It's already late at night so I can't call her at this hour. I honestly don't want to disturb her now, but I have to at least give her a heads-up for our arrival tomorrow.

To: Nana Thelma

Nana sorry for disturbing you at this hour. I just want to at least inform you that I will be coming there tomorrow. No need to prepare something okay? Good night, and again, I'm sorry.

After sending Nana Thelma's message I laid my head on the sofa. I can't help but smile, ear to ear. I cannot hide my excitement for tomorrow since that would be the first time that I will be with her for an entire day.

I will seize that moment that I'd be spending with her. I will make sure that she will enjoy it, to the point that she will forget all her concerns with anyone or anything.

Brace yourself, baby.

Because I will never let you slip on my hold now. Not after saying something that entails a big impact on me.

"Sorry, Flynn. Please, patawarin mo ako kung gano'n ang naging dating no'n sa'yo. Hindi naman 'yon ang gusto ko eh. Ayaw kong linalayuan mo ako, Flynn. Please, h'wag naman ganito."

Those were the exact words that came out from her reticent mouth.

An additional thing that encourages me to persevere in pursuing her, no matter what.

I can still recall my reaction when I heard those. The happiness and gratification that I felt were too much to the point that I haven't restrained myself, and led us to intimate lovemaking inside my car. Napailing ako sa sarili ko. I can't get enough of her anymore. Malakas na ata talaga ang tama ko kay Farrah.

After resting for some more minutes sitting on the couch, I decided to take a shower and plan something magnificent for tomorrow.

000

Farrah Nicolah's POV:

Natigil ako sa pagsusuklay ng aking buhok nang mapatingin ako sa aking kabuoan sa harapan ng salamin.

Isang dress na may kombinasyong kulay green, blue and red at flower design ang suot ko ngayon. Hanggang ibaba ito ng tuhod ko at may slit ito sa dulo. Nakalugay lang ang mahaba at kulot na dulo kong buhok. Simpleng foundation sa mukha at isang kulay sand nude lipstick lang ang colorete ko sa aking mukha.

Wala akong ideya kung saan kami papunta kaya ito ang napagdesisyonan kong suotin.

Okay na siguro ito, diba? Makakapasa naman na ito bilang pormal o di kaya'y casual.

Pero, magugustuhan kaya ni Flynn ang suot ko? Natigilan ako sa naiisip ko.

Wait... WHAT?!

KAILAN KA PA NA CONSCIOUS SA MGA DAMIT NA SUSUOTIN MO DAHIL LANG KAY FLYNN, FARRAH?!

Napabaling ako sa kung saan nakalagay ang cellphone ko nang mag ring iyon. Lumitaw ang pangalan ni Flynn sa screen, tumatawag. Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag niya.

"Good morning, baby." Masiglang bati niya sa kabilang linya. "You done? I'm already here outside." pagpapatuloy niya.

Napanguso ako.

Kailan pa kaya ako masasanay sa pa endearment niyang "baby"?

Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Ahm. Good morning din. Kumain ka na ba? Okay lang ba kung kakain na muna tayo bago umalis?"

Hindi pa ako kumakain dahil mas gusto ko talagang maligo at magbihis muna, para hindi ako mataranta pagdating niya.

Nagluto si Mama ng fried rice, scrambled egg at sausage na para sa akin bago siya umalis kanina. Kailangan niya daw kasing mag report sa opisina nila ngayon dahil sa pag absent niya kagabi. Nakapagpaalam na din naman ako sa kanya na aalis ako ngayon.

"I actually didn't eat breakfast because I am so excited to be with you."

Umikot ang mata ko at ngumuso.

Kay aga-aga mambola nang isang 'to! Bumuntong-hininga ako, kinakalma ang sarili ko para hindi niya mahalata na naaapektuhan ako sa pambobola niya.

"Pumasok ka nalang dito. Open naman iyang gate, itulak mo na lang."

Simpleng sabi ko sa kanya at tinignan muli ang aking sarili sa salamin.

Napangiti ako. Ang ganda ko talaga. Hindi sa pagmamayabang ha. Pero maganda talaga ako. Nakuha ko ang ganda ko sa Mama ko, ngunit hindi ang height ko. Petite si Mama, samantalang ako naman ay hindi gano'n kataas pero sakto lang para makapasa para maging isang modelo.

"Oh. Is it okay, though?" sabi naman ni Flynn sa kabilang linya.

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Bakit naman hindi? "Sinabi ko nga, 'di ba? Bakit naman hindi?"

Narinig kong tumikhim bago sumagot.

"Oh, okay! I just thought someone might mistake me for a burglar since I will enter into private premises."

Lalong lumalim ang gatla ng noo ko sa espekulasyon niya. Anong pinagsasabi nito? Nagpakawala na naman ako ng hangin sa dibdib ko at napailing.

"Huwag ka nga'ng OA diyan. Imposibleng mapagkamalan ka noh! Sa gwapo at lakas ng dating mong 'yan? Tanga lang o di kaya ay bulag ang mag-aakala na manloloob ka."

Inirapan ko siya kahit hindi niya naman iyon nakikita. Totoo naman kasi.

Flynn has the perfect face and body any woman would dream of. Not just that, because even just by glancing at him, you will know that this man is rich and respected.

Kaya paano niya naman nasabi na may mag-iisip sa kanya ng ganoon?!

I heard him chuckle, "Okay. I'll just go inside then."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay pinatay ko na ang tawag niya. Inilagay ko ang cellphone ko sa mesa at pumunta sa may kusina.

Kumuha ako ng dalawang plato, baso at dalawang pares ng kutsara at tinidor. Isinet-up ko iyon sa maliit naming mesa para saming dalawa ni Flynn. Bumalik ako sa kusina at ininit ang fried rice sa microwave.

Narinig kong kumatok na si Flynn kaya mabilis akong pumunta sa pintuan at pinagbuksan siya.

"Hi, baby." A very handsome smile is plastered on Flynn's lips as he greeted me.

I was stunned. He look so radiant and fresh this morning.

Hindi ko napigilang pasadahan nang tingin ang kabuoan niya. Parang mapupunit ang suot niyang simpleng white v-neck tshirt dahil sa hatak na hatak na mga muscles niya sa braso. Kitang-kita ang mabalahibong bisig nito, pati na din ang sa binti dahil sa simpleng suot niyang black maong shorts. Sinamahan pa ng isang mamahaling kulay itim na relo at mamahalin ding white rubber shoes na nagpakompleto sa mala-casual look nito. Napakasimple lang kung tignan, pero hindi mo maipagkakaila na napakakabighani ang isang 'to!

Natigilan ako sa pagmamasid sa kanya nang makita kong tumaas ang sulok ng labi nito. Ramdam ko ang biglang pag-iinit ng mga pisngi ko.

Shet, nakakahiya ka Nicolah! Paniguradong nakita ni Flynn na pinagpipyestahan mo siya! Tsk!

I quickly averted my eyes and cleared my throat before speaking.

"Halika, pasok ka. Okay lang ba kung kumain na muna tayo?"

Tanong ko sa kanya ng hindi siya tinitignan. Naglakad na ako papunta sa mesa. Itinuro ko ang upuan sa tapat ko, para doon siya umupo. "Yes, sure! Let's eat first because we will be having a long ride later."

Akala ko uupo na siya. Ngunit nanigas ako sa kinatatayuan ko ng bigla itong lumapit sa'kin at walang pasabing binigyan ako ng halik sa labi.

Literal na nanlalaki ang mga mata ko at naestatwa ako. It's just a peck on the lips pero grabi na ang bilis ng tibok ng puso ko dahil do'n.

Nang makita niya ang reaksyon ko ay napangisi siya. Hinawakan niya ako sa bewang at iginiya ako paupo sa upuan ko. Pagkatapos ay hinila niya ang upuan niya palapit sa akin, bago umupo sa tabi ko. Napakurap-kurap ako.

Ito talagang lalaking 'to!

Konting-konti na lang...

Mahuhulog na din ako sa patibung ng lalaking 'to!

To be continued...


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.