CHAPTER 20
Farrah Nicolah
"Can we grab some dinner first before I send you home?"
Biglang tanong ni Flynn sa kanya habang naglalakad sila papunta sa sasakyan nito. Halos mapuno ang open space parking lot ng restaurant ngayon dahil sa dami ng guest nila na naka dine-in. "A-ahm, h'wag na. Sa bahay na lang ako kakain, salamat." magalang na tanggi niya dito.
Akala niya kanina ay hindi na ito matutuloy sa paghatid sa kanya. Maraming reservations at nadagdagan pa nang mga walk-in guest kaya napaka-busy nila kanina. Actually, hanggang ngayon ay nagbabakbakan pa din naman ang mga ka- trabaho niya doon kaso hindi na katulad kanina no'ng nagsisidatingan palang ang mga customers nila. Nakita niya kasi si Flynn kanina na abalang tumutulong sa pagde-despatch ng mga pagkain kaya akala niya talaga na nakalimutan na nito ang sinabi kanina na ihahatid siya pauwi.
Kaso, ang hindi niya alam ay hinihintay lang pala nito na matapos ang shift niya. Naglalakad na siya kanina palabas ng back door nang bigla nalang may humila sa kaniya na ikinagulat niya. Sinusundan na pala siya ni Flynn galing sa kusina. "Flynn, pwede namang hindi mo na ako ihatid sa amin. Maaga pa naman kaya marami pa akong pwedeng masakyan pauwi." pangungumbinsi niya dito.
Nakakahiya lang kasi. Alam niyang pagod na din ito kasi mas nauna pa nga itong pumasok ng restaurant kaysa sa kanya. Tapos nagpabalik-balik pa ito kanina sa restaurant at kompanya nito. Kung alam niya nga lang sana na may gagawin pa pala si Flynn sa kompanya ay siya nalang sana ang mag-isang bumalik kanina sa restaurant.
"We have already agreed to this earlier, Farrah."
Tinaasan siya nito ng isang kilay kaya napanguso siya.
"Alam ko kasing pagod kana. Pwede namang mag commute nalang ako, promise I'll be home safe." ginamitan niya ito ng nanlalambing na boses at baka mapapayag niya ito.
Ngunit naitikom niya nalang ang kanyang bibig ng bigla itong lumapit. Naisandal niya ang kanyang likod sa magarang kotse nito nang itinukod ni Flynn ang isang kamay sa may pinto ng kotse habang ang isa naman ay nasa gilid ng ulo niya. Nanliliit siya bigla habang napapagitnaan siya sa malapad nitong katawan.
"Just get in the car and let's not argue about this anymore." mahina ngunit mariing wika nito sa may tenga niya.
Napapikit siya ng dumampi ang hininga nito sa kanyang tenga habang sinasabi iyon. Nagdulot iyon nang kiliti na dumaloy sa buong sistema niya ngunit mabilis niya iyong iwinaksi sa kanyang isipan. Parang naubusan bigla nang tubig ang lalamunan niya kaya isang tango nalang ang isinagot niya dito.
"Good! Now get in the damn car or I will be kissing you here, baby." a winning smirk is plastered on his lips.
Malakas naman siyang napapalunok dahil sa sinabi nito. Pinagbuksan siya nito nang pinto at pinaupo siya sa shotgun seat. Ikinabit nito ang seatbelt niya pagkatapos ay ginawaran siya nang halik sa labi. Kinagat niya ang loob ng pisngi niya para pigilan ang kanyang ngiti.
Nakita niya itong umikot papunta sa driver seat bago pinaandar ang kotse. Tahimik lang silang dalawa sa byahe. Nakatuon ang atensyon ni Flynn sa daan habang nagmamaneho at siya naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana. Wala sa sarili siyang napangiti at napailing dahil alam na alam nga ni Flynn ang direksyon ng bahay nila kahit hindi niya pa nasasabi dito kung saan siya nakatira.
"Grabe ka, Flynn! Sinusundan mo nga talaga ako. Kabisadong-kabisado mo na ang daan papunta sa amin eh. Hahaha!" hindi niya na mapigilan ang mapangisi.
He just shrugged and smirked while glancing at her. "Well, I didn't deny it though."
Hindi umabot nang isang oras ang byahe nila nang makarating sila sa labas nang compound na inuupahan nila.
Isang konkretong bahay na may dalawang silid, isang banyo, maliit na sala, kusina, at mini-garden sa labas ng bahay nila kung saan nakalantad ang mga magagandang tanim ng Mama niya ang inupahan nila.
Gusto niyang imbitahan si Flynn sa pamamahay nila bilang pasasalamat dito sa paghatid sa kanya pauwi. Tinanggal niya ang kanyang seatbelt at liningon si Flynn. Naabutan niya itong mariin na nakatitig sa kanya kaya nahiya sa bigla. Ngunit ayaw niyang maramdaman iyon ni Flynn kaya imbes na mahiya, ay binigyan niya ito nang matamis na ngiti.
"Gusto mo bang pumasok muna sa loob?"
"Is it fine though?" balik tanong nito sa kanya habang nakataas ang isang kilay.
Bagaman mag-isa lang siya ngayon dahil paniguradong wala na ang Mama niya sa bahay dahil sa pang-gabing shift nito sa trabaho, naisip niyang wala namang problema kung imbitahan niya si Flynn na mag hapunan sa bahay nila. "Oo naman, gusto mo dito ka nalang maghapunan?" tanong niya ulit kay Flynn.
Lumiwanag naman ang mukha nito at may multong ngiti sa mga labi nang marinig ang sinabi niya. Napa-nguso siya para pigilan ang kanyang ngiti. Ano bang nangayayari sa lalaking ito? tanong ni Nicolah sa isipan niya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ang napaka-successful at respetadong si Flynn Noah Lewis na may-ari ng sikat na NF Lewis Restaurant at ang COO ng isa sa pinakamalaking manpower agency sa buong bansa ay nasa harapan niya, nakangiti, at nakapagpahayag ng iba't-ibang emosyon sa harapan niya.
Kaya nga napakahirap para kay Nicolah na paniwalaan ang ipinagtapat ni Flynn sa kanya, bukod sa isa niya pang rason na pumipigil din sa kanya.
Dahil sino lang ba naman siya? Para magkagusto sa kanya ang isang Flynn Noah? Na ni katiting nga siguro nang yaman, tagumpay, at estado ng buhay nito ay walang-wala na siyang panlaban. Tanging hitsura at katalinuhan niya lang siguro ang maipagmamalaki niyang meron siya.
Ngunit sa kabila din no'n ay hindi niya din naman mapigilan na hindi siya maapektuhan. Lalo na kapag pinaparamdam ni Flynn sa kanya kung gaano ito ka sinsero sa nararamdaman para sa kanya.
"My pleasure, baby." magiliw na wika nito.
Pagkasabi no'n ay una na itong lumabas ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pintuan. Gustong umikot ng mata niya nang tinulungan pa talaga siyang bumaba nito.
Pagkasabi no'n ay una na itong lumabas ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pintuan. Gustong umikot ng mata niya nang tinulungan pa talaga siya nitong bumaba nang sasakyan.
"Salamat, Flynn." napanguso siya para pigilan ang ngiti na gustong kumawala sa kanyang mga labi.
Nang nakababa na siya ay pinanuod niya lang itong isara ang pinto at pinindot ang car key para e lock ang sasakyan nito. Kapagkuwa'y nauna na siyang maglakad para igiya ang daan habang nakasunod lang si Flynn sa kanyang likuran. Humito siya sa kulay berdeng gate ng compound na inuupahan nila at hinalughog ang bag niya para hanapin ang susi. Ngunit, natigilan siya at bahagyang napaatras ng may biglang sumulpot sa gilid niya. "Nicz, how are you? Can we talk?" bungad na tanong ni Aideen sa kanya.
Hindi alam ni Nicolah kung anong gagawin niya. Literal na naestatwa siya ng bigla nalang itong lumitaw sa kanyang harapan. Halos isang buwan na din niya itong hindi na nakikita, na ipinagpasalamat niya sana dahil wala ng kumukulit pa sa kanya. Pero heto't nasa harapan niya na naman, ang dating nobyo niyang nagawa siyang pagtaksilan.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Biglang pumait ang pakiramdam niya nang maalala ang nagawa nito. Parang bumalik ulit ang lahat ng ala-ala na akala nya'y nawala na sa sistema niya. Bumigat bigla ang hininga niya dahil sa poot at sakit na naramdaman. Malakas siyang nagpakawala ng malalim na hangin galing sa dibdib. Kinakalma ang sarili niya at sinusubukang wag magpa-apekto sa presensya nito sa harapan niya.
"Ano bang ginagawa mo dito, Aideen?" mariin niyang wika dito.
"I-I just want us to talk, Nicz. Please, it's been 4 f*cking months! I just wanna say sorry. Please... just give me a chance."
Sinusubukan niyang maging kalmado pero hindi niya talaga mapigilan ang mairita. Lalo na nang dahan-dahan itong lumapit sa kanya at sinubukang hagilapin ang kanyang braso. Umatras siya at iniwasan ang kamay nito. Alam niyang naka- inom ito dahil naamoy niya ang alak sa hininga nito.
"Ano pa bang pag-uusapan natin ha?! Alam mo naman pala na apat na buwan na ang nakalipas, pero bakit nangungulit ka pa din?!" nanggagalaiti niyang sabi dito.
Magsasalita na ulit sana si Aideen ngunit natigilan ito nang lumapit si Flynn kay Nicolah. Hinawakan nito ang bewang niya at hinapit siya papalapit sa katawan nito. Marahan siya nitong hinaplos doon na nagpakalma sa kanya. Pagak naman na tumawa si Aideen sa harapan nila bago ulit nagsalita.
"So, you've already moved on huh? Kaya pala ang dali lang sa'yo na itakwil ako dahil may bago ka na pala!"
Sarkastikong napangisi si Nicolah at umiling. Ang walang hiya! Siya pa talaga ang mayganang manumbat sa kanya! Sino ba ang nagtaksil habang may relasyon pa sila?! At ano naman ang pakialam nang lalaking ito sa kanya kung may bago na siya, eh wala na namang sila!
Bubuksan na niya sana ang bibig niya para bulyawan si Aideen ngunit natigilan siya nang kinuha ni Flynn ang isang kamay niya at mahigpit iyong hinawakan. Nahugot niya ang kanyang hininga ng marahan nitong hinalikan ang gilid ng ulo niya. Parang natunaw bigla ang galit at poot na naramdaman niya at napalitan iyon kagalakan na nagpakalma sa kanya.
Naghuhurumintado na naman sa bilis na tibok ang puso niya dahil sa ginawa nito. Kagat-labi niya itong tiningala at nakita niyang matalim itong nakatitig sa lalaki sa harapan nila.
"Didn't you hear what she said? Just pull yourself together and back off!" kalmado ngunit mariin na sambit ni Flynn kay Aideen.
To be continued...