CHAPTER 4 The Love Untold
Parang may kung anong sakit syang naramdaman sa kanyang dibdib. Hindi nya ito mawari, alam nyang nasasaktan sya ngayon. Ano kaya ang pakiramdam na picture nilang dalawa ang nakalagay dito? Ano kaya ang pakiramdam na mahalin ng isang Farrell Shai Rochefort? Napakurap kurap ako ng unti unti kong maramdaman na nagiinit ang aking mga mata. Agad kong ibinaba ang picture frame at mabilis ng tinapos ang paglilinis. Sinunod ko ang isang kwarto na nakasarado, ito pala ang banyo. Malinis pa ito kaya naman kinuha ko nalang ang mga basura. Mabilis ko itong natapos at agad na lumipat sa kabilang pinto. Namangha ako sa aking nakita, kwarto pala ito ni Shai. Ngunit ang lubos na ikinalaki ng aking mga mata ay ang malaking larawan ni Charlotte na sa hula ko ay sadyang ipinaguhit. Napakaganda nito, para itong anghel. Hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng aking mga luha. isa isa itong nagbagsakan habang nanatili akong nakatitig sa larawan. Masaya ang nasa larawan ngunit ang sakit ng aking nararamdaman. Para akong sinaksak sa aking dibdib ng pinong pino. Ang aking mahal na asawa ay may mahal na iba. Mabilis kong tinapos ang paglilinis at baka maabutan pa ako ni shai sa loob ng kwarto nito Tahimik ako at naging matamlay hanggang mag uwian. Nagtataka man Sina Cathy ay hindi na ito nagtanong pa. Hindi ako maka move on sa sakit na naramdaman ko kanina, ang hirap sarilinin ng nararamdaman, yung wala kang mapagsabihan at tahimik ka nalang iiyak.
Dahan dahan akong pumasok ng mansion at nakasalubong ko si Yaya sa hagdanan. Binati pa ako nito ngunit tanging tango na lamang ang aking nagawa.
"Nakapagluto na ako iha, gusto mo na bang kumain muna bago magpahinga ?" Tanong nito sa akin.
"Busog pa po ako Yaya, magpapahinga na lang po ako." mahinang wika ko dito.
"Masama ba ang pakiramdam mo iha, matamlay ka at parang nanghihina " nagtatakang tanong nito.
"Medyo lang po, kailangan ko lang po siguro magpahinga. Sige po, pahinga na po ako" magalang kong paalam dito at tumalikod na upang paumunta sa aking silid.
Agad akong humiga sa kama pagkapasok sa aking kwarto. Nakatulala lamang ako habang nakatingin sa puting kisame ng aking silid. Ilang sandali pa ay unti unti kong naramdaman ang pag iinit ng aking mga mata at agad na dumaloy ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ang aking tahimik na pag iyak ay nagkaroon ng mahinang tunog.
Tumagilid ako at bumaluktot at niyakap ang aking sarili habang patuloy na dumadaloy ang masaganang luha sa aking mga mata. Ang sakit, sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ito mararamdaman at kung hanggang kelan kaya kong itago. Patuloy akong tahimik na lumuha hanggang sa nakatulugan ko na ito.
SHAI POV:
Pagod na pagod ako maghapon dahil sa tambak ng trabaho sa opisina. Hindi ko na namalayan na gabi na pala kung hindi pa nagreklamo ang tyan ko. Hindi na nga pala ako nakakain ng tanghalian kanina. Mabilis kong pinaandar ang aking kotse upang makarating ng mabilis sa mansion.
"Ginabi ka na yata Shai, maupo ka muna dyan at iinitin ko lang ang ulam" bungad sa akin ni yaya pagbukas ng pinto. Sumunod ako dito sa kusina at doon na hinintay na mainit ang pagkain. Napapikit ako at sumandal sa upuan. "Nakauwi na po ba si Ruth?" tanong ko habang hinihilot hilot ang aking sintido.
"Oo, kanina pa pero mukhang masama ang pakiramdam. Hindi na nakakain at dumiretso na sa kanyang kwarto." Napamulat ako ng mga mata sa sinabi ni Yaya. Hindi na kami halos nagkakausap pa ni Ruth. Hindi na ito sumasabay sa pagpasok at paguwi.
Mabilis lang ako kumain, hindi ko alam pero nag alala ako ng sinabi ni yaya na masama ang pakiramdam nito. Asawa ko parin ito kahit papaano. Pagkatapos uminum ng tubig ay agad na rin akong tumayo at umakyat sa taas upang silipin si Ruth.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kanyang kwarto at tumambad sa akin ang maliwanag na paligid. Nakita ko itong natutulog at nakatihaya pa. Malaya kong napagmasdan ang mukha nito. Ang matangos nitong ilong at mapupulang labi. Ang buhok nitong nakalugay na ang iba ay napunta na sa kanyang mukha. Dahan dahan ko itong nilapitan at maingat na inalis ang suot nitong salamin. Napanganga ako sa nakita, napakaganda nito lalo na sa malapitan at walang suot na salamin. Mukha itong manang sa araw dahil sa suot nito.
Masuyo kong hinaplos ang mukha nito, napakalambot ng kanyang balat. Bahagya itong gumalaw at umawang ang mapula nitong labi. Bahagya din tumaas ang laylayan ng damit nito dahilan upang makita ko ang flat nitong tyan. Agad na bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko maintindihan ang aking sarili nitong mga nakaraang araw, umaasa ako sa umaga na sasabay ito sa akin pagpasok. Pero mukhang ayaw nito akong makasama.
Tumayo ako at napabuntong hininga. kinuha ko ang kanyang kumot at maingat itong kinumutan at pinatay ang ilaw.
Lumabas ako ng kanyang kwarto at nagtuloy na sa aking silid. Agad kong hinubad ang lahat ng aking damit at walang itinira bago nagtuloy sa loob ng banyo. Tumapat ako sa ilalim ng shower at napapikit. Muli ay ang mukha ni Ruth ang aking nakita. Shit! Mahal ko si Charlotte at hindi pwedeng ibang babae ang nasa isip ko.
Mabilis na akong naligo at lumabas na ng banyo. Umupo ako sa aking kama at sumandal sa headboard. Balak kong tawagan ngayon si Charlotte, ngunit naka dalawang tawag na ako ay hindi ito sumasagot.
Humiga na lamang ako at natulog. Kinabukasan ay sinadya kong gumising ng maaga upang makausap si Riuth. Nakita ko itong kumakain at nagkakape. Bagong ligo ito at nakabihis na. Mahina akong umubo upang ipaalam na nasa likod nya ako.
"I - ikaw pala yan Shai, maupo ka na. Ikukuha lang kita ng pagkain." Sabi nito at mabilis tumayo at kmuha ng plato at pagkain. Ipinagtimpla din ako nito ng kape. Muli itong naupo malapit sa akin at amoy na amoy ko ang bango ng sabon na ginamit nito.
"Masama daw ang pakiramdam mo sabi ni yaya. Wag ka muna pumasok ngayon, ako na ang bahalang magsabi sa opisina."
"Ok na ako Shai, napagod lang siguro ako kahapon. " sabi nito na patuloy lang sa pagkain.
" No, just stay here. Kailangan mong magpahinga. Baka makarating pa ito kay Mama, pagagalitan ako nun." Sabi ko pa dito. Nanatili lang itong nakayuko, hindi tumitingin sa akin
"
"OK" wika nito. " mauna na ako, akyat lang ako sa taas" paalam nito sa akin. Lihim ko itong pinagmamasdan, pakiramdam ko ay iniiwasan ako nito. Pagkatapos hugasan ang kinainan ay umalis na ito at umakyat sa taas. Mabilis kong inubos ang aking pagkain at balak ko itong sundan upang kausapin.