Chapter 39: I miss you, Baby!
"BAKIT ikaw ang narito?" gulat na tanong ni Rochelle nang madatnan sa hapag kainan si John Carl. Si Zoe ang kanyang inaasahan na makasalo sa pagkain dahil ito ang nag-aya sa kanya. "Sa tingin mo ba ay hahayaan ko na pati ang lalaki na may gusto sa kapatid ko ay maakit mo?" mapanuya na balik tanong niya sa babae. Mababa ang tinging ipinukol niya dito bago umupo. "Well, hindi ako ang lumalapit kundi sila." Kibit balikat na sagot nito sa binata na lihim niyang kinamumuhian. Wala siyang pakialam kung marumi at masamang babae ang tingin nito sa kanya. Tanging hangad niya lang ay masira ang pamilya nito o ang iniingatang reputasyon ng binata.
Ang tibay din ng sikmura mo upang patulan ang baluktot na isip ng aking kapatid!" Mahigpit niyang hinawakan ang braso ng dalaga at sapilitang pinaupo nang magtangka itong aalis.
"Affected?" Sarkastikong ngumiti si Rochelle sa binata. Hinaplos pa niya ang kamay nito na nakahawak sa kanyang braso upang lalong asarin. Hindi ininda ang sakit na dulot ng marahas na paghawak doon ng lalaki. "Let's see kung hanggang saan iyang tibay ng sikmura mo!" Parang napapaso na inalis ang kamay sa braso ng dalaga nang dumantay doon ang palad nito.
Umupo na si Rochelle at tahimik na kumain, hindi pinansin ang nakakapasong tingin ng kaharap dahil sa galit sa kanya. Hindi siya dapat magpakita ng galit o pagkapikon dito dahil nangangahulogan iyon ng pagkatalo sa pagitan nila.
Ang bilis ng araw at lumipas na ang isang linggong bakasyon ng pamilya nila Jhaina sa Boracay. Sabay sabay na bumalik sa Laguna kasama si Rochelle. Hindi alam ni Jhaina kung nasaan na ang makulit na intsek dahil dalawang araw na itong hindi nagpakita sa kanya mula nang gabing pinakain siya. Nabawasan ang stress dahil wala nang makulit. Pero nagagalit siya sa lalaki nang hindi na muli itong nagpakita sa hindi niya alam ang dahilan.
Balik eskwela silang magkapatid, magtatapos na sa kursong engineer ang kapatid sa taon na iyon samantalang siya ay dalawang taon pa ang ilalaan sa kolehiyo.
Sa tamabayan ng magkakaibigan sa Hong Kong ay napilitan si Zoe e-kuwento sa mga ito ang tungkol sa babaeng mahal niya. Hindi na siya nakapagpaalam sa dalaga bago bumalik ng Hong Kong dahil naisip niyang hindi rin siya harapin nito. Isa pa ay biglaan ang pagbalik nilang magkakaibigan sa bansang ito.
"I told you, she looked familiar," ani Troy matapos marinig ang kwento ni Zoe sa kanilang lahat. Nagsama sama sila magkakaibigan sa Hong Kong maliban kay Mark na nasa honeymoon stage pa hanggang ngayon.
"What are you going to do now?" tanong ni Khalid sa namomoroblemang kaibigan.
"I'm just going to finish everything here before will go back there. As much as possible, I want to stay in the Philippines together with her for a lifetime."
"You really love her, ha! But how about, Trixe?" tanong muli ni Khalid sa kaibigan.
"I don't know," tila nagulo bigla ang isip ni Zoe sa pagkaalala sa unang babaeng minahal.
"Let's celebrate and forget the past!" nakangising itinaas ng isang kaibigan ang hawak na kopitang may laman na red wine.
Pilit ang ngiting itinaas ni Zoe anf hawak na baso. Maingay ang mga kaibigan kaya pansamantala niyang nakalimutan ang mga bagay na bumabagabag sa kaniyang puso't isipan.
Natagalan si Zoe bago nakabalik muli sa Pilipinas. Walang tutol sa kanyang mga magulang nang sabihin niya ang kanyang plano. Gusto na rin naman ng mga ito na mag-asawa siya. Matalas na siya magsalita ng tagalog ngayon kahit wala ang kanyang private tutor.
"Welcome back!" bati ni John Carl kay Zoe, doon sa kanila ito dumiritso pagkarating ng bansa.
"Thank you, bro, where is she?" Ginala ni Zoe ang tingin sa loob ng bahay ng mga ito.
"Nasa paaralan, may activity kasi sila ngayon." Tinapik ni John Carl sa balikat ang kaibiga.
Kahit nasa ibang bansa si Zoe ay hindi naputol ang communication nila. Siya ang naging tulay nito upang updated ito sa buhay ng kaniyang kapatid araw-araw.
"Nakabalik ka na pala, Hijo!" Masayang bati ni Lucy sa bagong dating na binata.
"Magandang araw po!" bati ni Zoe sa mag-asawa at yumukod ang ulo bilang pagbigay galang sa mga ito.
Napangiti ang mag-asawa kay Zoe, tuwid na ito kung magsalita ng tagalog at tumupad sa kanilang usapan ang binata.
"Ma-stay ka na dito for good?" tanong ni David sa binatang panauhin.
Sa isang buwan na pagkawala ng binata ay napapansin nilang mag asawa ang anak nilang dalaga na tila laging balisa. Bugnotin at hindi na gasino sinasama sa bahay nila ang babaeng nagustohan nito. "Yes, Sir!" Muling iniyuko ni Zoe ang ulo sa harap ng ginoo.
"What are you waiting, Bro? Sunduin mo na siya at malapit na ang oras ng uwian."
Nakangiti na nagpaalam si Zoe sa mga ito, dala ang sariling kotse, dumiritso sa pinapasukang universidad ng dalaga. Sobrang na miss na niya anv dalaga, sa loob ng isang buwan na tanging picture nito ang nakikita ay sobra siyang nangulilala dito.
Sa paaralan ay tanging si Rochelle lang ang kinakausap ni Jhaina at ito lang nagtatyaga sa kaniya. Madalas ay mainit ang ulo niya at nagagalit kahit maliit na problema lamang.
"Bhe, sumasakit na naman ba ang ulo mo?" tanong ni Rochelle nang mapansin na humawak si Jhaina sa ulo nito.
"Gutom lang ito, sige na mauna ka nang umuwi." Taboy ni Jhaina sa babae, nagtataka na rin siya sa kanyang sarili dahil noon ay halos ayaw niyang mapawalay ito sa kanya. Pero ngayon, naiilang siya na kasama ito at tinutukso pa sila ng mga kaibigan nila na bagay nga daw sila dahil nalaman na rin ng mga ito na isa siyang tomboy.
"Ihatid na kita, Bhe," inalalayan ni Rochelle na makatayo si Jhaina.
Walang nagawa si Jhaina kundi ang hayaan si Rochelle na hawakan siya sa braso. Ang totoo ay sadyang masakit ang ulo niya ngayon dahil kakaisip sa walang kwentang bagay. And speaking of walang kwentang bagay, nasa harapan na niya ngayon ang nagpapasakit sa kaniyang ulo.
Pareho pa silang nagulat ni Rochelle nang makita ang intsek na binata sa bungad ng gate. Nakapamulsa ito at seryoso na nakatingin sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung ano ang ikikilos, ang sakit ng ulo ay biglang nawala pero ang dibdib ay kumabog.
"Hi, welcome back!"
Napasimangot si Jhaina nang bumitaw sa kanyang braso si Rochelle at nauna pang bumati sa binata.
"Thank you, how are you?"
Salubong na ngayon ang kilay ni Jhaina nang ngumiti si Zoe kay Rochelle. Naghuhurimintado ang kanyang isip at puso nang malaman na magkakausap ang mga ito at hindi nawalan ng communication noong umuwi ang binata sa Hong Kong. "I'm fine, thank you! Hindi mo sinabi na babalik ka na dito nang mag-usap tayo kagabi."
Gustong hablutin ni Jhaina ang braso ni Rochelle nang lumapit pa ito kay Zoe na parang nasasabik nang makita ang huli.
Lihim lang napangiti si Zoe sa nakikitang reaksyon sa mukha ni Jhaina, maganda nga ang naisip na idea ng kapatid nito. Kailangan niyang mailayo muna ang babaeng kinahuhumalingan nito na hindi tama. Alam niyang walang alam si Rochelle sa nakaraan nila ni Jhaina pero alam nitong gusto niya ang huli noong nasa Boracay sila.
"Bakit ka nga pala narito?" tanong ni Rochelle muli sa binata, nakalimutan na kasama niya si Jhaina.
"Sinusundo ka, let's go?" sagot ni Zoe at hindi tinatapunan ng tingin ang isa na alam niyang nagbabaga na ang mga mata sa galit.
"Ehem!" Tumikhim si Jhaina nang hindi na makatiis. Kanina pa siya nagpipigil na kalmutin sa mukha ang antipatikong intsek.
"Ay sorry, bhe, halika sumabay ka na sa amin." Patakbo itong bumalik sa kinaroonan ni Jhaina at hinawakan sa kamay. "Okay lang ba na isabay natin siya?" tanong nito sa binata.
Gustong sapakin ni Jhaina ang babaeng may hawak sa kanyang kamay ngayon. Feel na feel nito na sinusundo ng isang lalaki at muntik pa siyang makalimutan. Nakaramdam siya ng dismaya nang hindi manlang siya kinamusta ng lalaki. Para bang hangin lang siya sa paningin nito at hindi kilala. Malala pa ay si Rochelle ang pinagbuksan nito ng pinto at pinaupo sa front seat ng sasakyan.
"I miss you, my ass!" galit niyang bulong sa sarili nang maalala ang sinabi ni Zoe noong nasa Boracay sila. Gusto niyang magwala sa galit ngayon pero kailangan niyang magpigil. Walang salita na sumama siya sa mga ito dahil may isang bahagi ng kaniyang isipan na bumubulong na hindi niya dapat hayaang makapag solo ang dalawa.
"Which way?" Nakangiti na tanong ni Zoe kay Rochelle, sinabi niya na ito ang una niyang ihahatid at pumayag naman ito.
Panay ang kwentohan ng dalawa habang nagmamaneho ang binata. Si Jhaina ay tahimik lang at halos hindi na maipinta ang mukha. Ang tingin niya ngayon kay Rochelle ay hindi maganda. Naging insensitive ito sa paligid lalo na sa kaniyang damdamin. Mukhang tama nga ang kaniyang kapatid, huwag siyang umasa na may katugon ang damdamin niya kay Rochelle. Kahit nga man lang pagkakaibigan nila ngayon ay hindi manlang sinasaalang-alang ng babae. Hindi manlang nito naisip na masasaktan siya at magseselos sa lantaran nitong pagpapakita na may gusto sa lalaki.
Nagbingi-bingihan na lamang si Jhaina at halos mabali na ang leeg na nakaharap sa bintana ng sasakyan. Kahit ramdam niyang may nakatingin sa kaniya ay hindi siya nag abalang lingunin iyon. Abala siya sa pakipag away sa kaniyang puso't isipan. Nang tumigil na ang sasakyan ay napaismid siya habang sinusundan ng tingin si Rochelle. Ni hindi manlang ito nagpaalam sa kanya nang bumaba na ng sasakyan na dati ay humahalik pa sa kanyang pisngi bago sila maghiwalay. Nakangiting kumaway si Zoe kay Rochelle nang makababa na ito. Nang wala na ito sa kaniyang paningin ay lalong lumawak ang ngiting nakapaskil sa kaniyang labi at pumasok na sa sasakyan. Bago muling binuhay ang makina ay sinulyapan niya sa front mirror ang nakasimangot na dalaga. Kanina pa siya nasasabik na makausap ito pero mukhang mahirapan siya ngayon sa nakikitang mood nito.
"Hello, Baby!" malambing niyang bati dito ngunit inirapan lamang siya nito.
"Ang taray naman ng Baby ko!" tukso niya dito upang kausapin na siya.
"Fuck you!" Nanlilisik ang mga mata at binato ang binata ng hawak niyang bagpack.
"Hey!" Natatawa na sinalag ang ibinato ng dalaga sa kanya. Ramdam niya na nagseselos ito pero hindi siya sigurado kung para ba sa kanya o kay Rochelle. "Gago ka!" Hindi na mapigilan ni Jhaina ang sarili na magwala dahil sa galit. Galit siya sa pangbabaliwala nito sa kanya kanina nang kasama pa nila si Rochelle. Mabilis na itinabi muna ni Zoe ang sasakyan sa gilid ng kalsada at hinarap ang dalagang panay ang hampas sa kanya ng hawak nito na bag.
"Baby naman, masakit na ha!" Humarap siya dito at inagaw ang bag na ayaw nitong bitawan.
"Tang-*na mo, bebehin mo mukha mo na gago ka! Ang landi mo!" Lalo siya nag-init dahil sa galit nang tumawa lang ito habang panay ilag sa kanyang suntok. Hindi niya ito mapurohan dahil may nakaharang na upoan. "Enough, Tin, para kang bakla manuntok." Tumatawa pa rin na saway nito sa dalaga. Ito lang ang paraan na alam niya para makuha ang buo nitong atensyon at kausapin siya.
"Abnormal ka! Tintinin ko mukha mo eh! Ikaw ang bakla at mang-aagaw! Maghanap ka ng ibang babae, huwag ang akin!" Bulyaw nito sa binata, naninikip ang dibdib niya dahil sa galit na lantaran nilandi si Rochelle sa kanyang harapan kanina. "Matagal ko nang nahanap ang babae na gusto ko ngunit naging lalaki." Palatak na sagot ni Zoe dito at nagseryuso na.noveldrama
Napipilan si Jhaina nang marinig ang sinabi ng binata, alam niya na siya ang tinutukoy nito. Ang malabong dahilan ng galit niya kanina ay unti-unting lumilinaw ngayon habang nakatitig sa guwapong mukha ng binata.
"I miss you, please bumalik ka na sa akin!" Malungkot na tumingin ito sa dalaga at nagsusumamong nakiusap.
"Miss me? Huwag mo akong utuin, nawala ka ng isang buwan at hindi nawalan ng komonikasyon kay Rochelle, na-miss mo ako sa lagay na iyan?" Sarkastikong tanong nito sa binata, hindi na alintana na may halong tampo at selos na kasama sa kanyang hinaing.
"Kapag hinayaan mo ako na ipaalala sa iyo ang lahat, iiwasan ko na si Rochelle." Seryoso si Zoe.
"At kapag ayaw ko?" Nakataas ang kilay at nanghahamon na tanong niya sa binata.
"She like me, sa tingin ko ay hindi siya mahirap mahalin kung subokan ko." Kibit balikat na sagot niya sa dalaga at ibinalik ang tingin sa unahan ng sasakyan.
"Edi ligawan mo! Magsama kayong dalawa at parehong malandi!" Bulyaw niya muli sa lalaki, galit na naman siya. Ewan ba niya pero ang bilis uminit ng kanyang ulo lalo na kapag naalala mukha ng binata at ngayon na kaharap na ito ay lalo siyang naiinis.
"Tsk, ang harsh!" Bulong ni Zoe habang umiiling at muling binuhay ang makina ng sasakyan. Pagkahatid niya dito ay inirapan lang siya sa halip na magpasalamat.