CHAPTER 3
***
Napangiti ako habang hawak-hawak ang korona ko.
"Bagay ba sa akin, Diana?" Muli kong isinuot ang korona ko sa ulo at nag-posing-posing.
Nakangiti namang tumatango sa akin si Diana. Nag-thumbs up pa ito sa harapan ko. "You're so beautiful, princess! Here, take this. I will take your pictures. Smile sweetly!" Binigay niya naman sa akin ang sash na may nakalagay na "Binibining Filipina Queen of 1892."
Agad ko iyong isinuot at nag-smile sa camera ni Diana. Ilang posing pa ang ginawa ko tapos biglang pumasok ang isang maid ng reyna.
"Your highness, today is the Queen's birthday. They're already partying outside. Come and join. King and Queen's of other kingdoms are invited tonight, please behave, m'lady." She bowed before leaving.
0-0
Party?
"Diana? Nakakahiya namang bumaba. Maraming tao doon. Dalhan mo na lang ako ng pagkain, hehe!" Nag-peace sign ako kay Diana at nagpa-cute sa harapan niya.
"Pero mahal na prinsesa. Kaarawan ng iyong ina ngayon. Hindi mo ba siya nais batiin man lang? I'm sure you will enjoy the party. Let's go!" Tinulak niya ako papalabas kaya wala na akong nagawa pa.
***
Nakasibangot lang ako habang nakaupo sa table ng mga magulang ni Princess Iris. Sobrang boring lang dahil kung ano-anong usapan lang tungkol sa iba't-ibang kaharian ang pinag-uusapan nila. Hayst!
"My princess. Do you want to dance? I would love to see you dance with other guys here. It's my birthday wish, honey. Come on!" Bigla akong nagulat nang pansinin ako ni Queen Estella. I mean ni mader. Luh? Dance? "I'm not dancing po, Queen eh. Saka panget ako sumayaw." Tumawa ako ng awkward sa harapan ng mga kaibigan ni Queen Estella.
Napakunot noo pa tuloy sila. "You're not into dancing na anak? 'Di ba sumayaw ka kanina sa beauty pageant niyo dahil 'yon yung talent mo? Everyone knows that you're a good dancer anak." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni King Solomon. Ha? Magaling daw sumayaw si Princess Iris? Patay tayo d'yan. Mukha akong bulate sumayaw eh.
Napakamot ako sa ulo.
"May I have this dance, your highness?"
Napaangat ako ng tingin sa isang lalaking naglahad ng kamay sa harapan ko. AAAAAAA! Ang handsome niya gurl! Biglang napangiti si Queen Estella at siya na ang sumagot sa tanong noong lalaki.
"You can now dance my daughter, Reed. Come on, honey. Enjoy your night!" Kinindatan ako ng reyna bago niya ibinigay doon sa lalaki 'yung kamay ko. What the heck?
Binugaw lang ako ng sarili kong nanay?
Napahawak naman ako sa leeg noong lalaki nang bigla niya akong hapitin sa bewang.
"You smell so good." Mas hinapit niya ako papalapit sa kaniya pero pilit akong umaatras dahil naweweirduhan ako sa posisyon naming dalawa.
"Ano b-ba! Bitawan mo nga ako." Hinampas ko ang likod niya nang dumikit na ang dibdib ko sa dibdib niya.
0-0
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang biglang bumaba sa pwet ko 'yung mga kamay niya.
*PUNCH*
Hindi na ako nakapigil at sinuntok ko ang mukha niya. Sapul pa sa eyes niya kaya may black eye na siya ngayon.
"You son of a b*tch! You deserved that!" Dinuro ko ang mukha niya at aalis na sana kaso bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"What the hell is your problem? Don't you want it?" Napangisi siya. "Ohw! Now I know that you want more, baby. Sana sinabi mo na lang." Kinaladkad niya ako bigla paalis sa party. Susuntukin ko na sana siya nang biglang...
*PUNCH*
May iba nang sumuntok sa kaniya dahilan upang manlaki ang mga mata ko.
"Who the fvck---!" Sigaw noong nambastos sa akin.
"My name is West. Not fvck."
0-0
Huh?
West daw?
SI PRINCE WEST NG BRIDGETTE SILVERS?!
Prince West of Bridgette Silvers Kingdom. The most arrogant prince throughout the world history of the Philippines.
***