Chapter 12: Karma
Aleighn's POV
Umuwi agad ako matapos ang pagtatalo namin ni sir Craige sa harap ng mga kasama niya sa bar na pinapasukan ko, dala ko ang pera na sinaboy niya sa mukha ko kahit pa nanliliit ako sa sarili ko
Oo pinaghirapan at pinag paguran ko ang perang iyon pero dahil sa ginawang iyon ni sir Craige ay hindi ko maiwasang makaramdam ng ganoon
Nagpa alam ako kay Andrea na uuwi na muna ako, pumayag naman siya agad dahil maaga akong pumasok kanina
Papasok palang ako sa kanto namin ng matanaw ko si Raul, alas onse na ng gabi ay pakalat kalat pa rin siya.
Wag niyang sabihin na naghihintay pa rin siya sa akin para lang sa bayad ng utang ko? Aba'y pambihirang kalbo talaga siya
"Aba Aleighn maige naman at umuwi kana asan ang bayad mo?! Ang tagal kong nag hintay sayo akala ko gogoyoin mo na naman ako!" malakas na pagkaka sabi niya ng makita akong papasok na sa eskinita "Aba't ang tyaga mo naman palang naghintay, eto yung hulog ko oh" untag ko sabay abot sakanya ng pera na hinugot ko gaking sa bulsa ng suot na pantalon, alam ko naman din kasing aabangan niya talaga ako lalo na't sinabi kong nagyong araw ako magbabayad
Pagka abot ko ng owra ay agad na siyang sumibat na siya namang pinag pa salamat ko dahil hindi na siya nakioag kwentuhan pa sa akin, sa totoo lang kasi kahit sino ditl sa aminn sa iskwater ay hindi maintindihan ang totoong ugali ni Raul, minsan mabait, minsan masama ugali minsan naman kengkoy na may konting kamanyakan
Sa bahay ako ni Aling Choleng tumuloy at mahimbing na ang tulog ng anak ko sa oaoag na hinihigaan niya sa kuwarto ni Aling Choleng
Pinaka titigan ko kang siya habang natutulog, lahat ng pagod ko sa buong araw na ito ay alam kong napawi na dahil nakita ko na ulit siya
Gustong gusto ko siyang alagaan ng ako lang dahil magmula ng ipanganak ko siya, hindi ako ang halos nag alaga sakanya. Kailangan kong kumayod eh kaya walang akong choice kundi ibilin siya sa oangangalaga ni Aling Choleng Sa pagtitig ko sa maamo niyang mukha hindi ko naiwasang maluha, andami kong gustong gawin at ibigay sakanya kaya lang ay alam ko namang kukang talaga kahit anong gawin kong trabaho
"I love you Ravi ng Mama" untag ko sabay halik sa ulo ng himas himas ko
"May problema ba Aleighn?" si Aling Choleng na nakatayo na pala sa pintuan ng kuwarto
Pinunasan ko muna ang luha ko at inayos nag kumot ni Ravi bagoblumabas ng silid
Naupo ako sa harap ng matanda na ngayon ay nagkakape pa kahit dis oras na ng gabi
"Nahihirapan po ako,, pero alam ko namang hindi ako pwedeng sumuko Aling Choleng" matabang kong untag
"Para kay Ravi tuloy lang kahit nahihirapan ako, kailangan niya ako, kaya dapat maging matatag ako" dugtong ko pa
"May nangyari ba Aleighn?" tanong niya sabay higop sa kape
"Sama ng ugali nung tao na yun, parang hindi ko kayang tiisin pa, inaalala ko lang na malaki ang pa sahod niya" untag ko
Kinuwento ko kay Aling Choleng ang buong nangyari sa araw na ito, at gaya lang din ng dahilan ko ang isinagot niya sa akin, na lahat ng ginagawa ko ay para kay Ravi, para sa ikaka buti mg anak ko
Matapos naming mag usap ay natulog na ako sa tabi ng anak ko. Halos hindi namin na uuwian na amg maliit naming bahay ni Ravi dahil parating dito nalang siya sa bahay ng matanda dahil mas maige daw kung kasama niya kami Kinabukasan ay nagising ako ng mas maaaga pa kumpara sa gising ko talaga tuwing maaga, kaya naman ako ang naghanda ng agahan oara sa aming tatlo ni Aling Choleng at ni Ravi
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Natapos kaming kumain ng sabay sabay, at kita ko ang tuwa sa mga mata ng anak ko dahil nalutuan ko daw ulit siya ng paborito niyang pagkain na champorado
Isipin ko palang na papasok ako sa mansion ni sir Craige ngayong araw ay parang ayoko na, baka kasi mamaya kung ano ang gawin niya sa akin, sigawan at pag salitaan ko ba naman siya. Mali yung ginawa niya sa akin sobrang mali, pero kung iisipin yung pag oatol na ginawa ko sakanya ay pwede akong mawalan ng trabaho
"Pasok na ulit si Mama pakabait ka kay Nay Choleng ah" untag ko sa anak sabay halik sa pisngi niya
"Opo Mama, iingat ka po sa trabaho" tugon niya sa sinabi ko
Pagtapos kong magoa alam sakanya ay nagpa alam na din ako kay Aling Choleng na nagwawalis sa harapan ng bahay niya
Gaya ng lagi kong pagpasok sa bahay ni sir Craige, tahimik at walang kabuhay buhay ang mansion niya, kung ikukumpara ko ang iskwater na tinitirhan ko sa mansion na meron siya, ay sobrang laki ng pag kakaiba. Madumi, maingay at mabaho man ang lugar namin masasabi kong kahit puro chismosa ang nakatira ay masaya sila, masaya ang loob ng bahay nila dahil may pamilya silang kasama, etong bahay kasi ni sir Craige ay sobrang laki, pero pag tapak palang sa gate damang dama mo ang bigat at lungkot na meron sa buong kabahayan niya
Dahan dahan pa akong naglakad papunta sa kusina ng mansion habang nakatingin sa hagdanan paakyat sa kuwarto ni sir Craige, ng biglang may humarang sa akin at mukhang alam ko na kung sino iyon Ang napakabait kong boss lang naman
"Buti may mukha ka pang ihaharap sa akin matapos mo akong pagsalitaan kagabi?!" salubong na kilay niyang untag habang naka pamaywang, naka bihis na siya ng pang opisina niyang damit "Good morning sir, dito kasi ako nagta trabaho kaya eto may naiharap pa akong mukha sayo" naka ngiti kong sabi dahilan para lalo siyang mapa simangot
"Talagang sinasagad mo ang pasensya ko?!" inis niyang tanong
"Naasar kayo sir?" tanong ko pabalik
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Maasar ka talaga sakin, lalo na't alam kong pikon ka
"Ipagtimpla mo na ako ng kape, at wag kang babagal bagal!" pasigaw niyang utos
"Eto na sir kalmahan mo lang ang aga aga" sambit ko sabay talikod
Agad kong ginawa ang kape niya at ibinigay sakanya
"Bakit may sakit ang anak mo?" tanong niya bigla nung akmang tatalikuran ko siya, para gawin na ang mga trabaho ko
"Huh bakit niyo po natanong?" kunot noo kong tanong sakanya
"Just asking! You're a single mom right, karma mo siguro ang pagkakaroon ng anak na may sakit! So unlucky child, dahil sayo nahihirapan siya" walang emosyon niyang sambit sabay simsim sa kape
Hilig talaga mamersonal ng taong ito, ano bang problema niya sa pagiging single mom ko?
Kailan man hindi ko inisip na karma ko ang anak ko at ang pagkakaroom niya ng sakit, dahil mula ng dumating siya sa buhay ko mas natuto akong magsumikap
"Alam mo Mr. Aldomar kung may galit ka man sa mga tulad ko o may hinanakit ka sa buhay sarilihin mo nalang, kasi walang kwenta lagi ang mga sinasabi mo sa totoo lang! Magta trabaho na ho ako!" untag ko sabay martsa palayo kung saan siya nakaupo
Kung may self issues siya sa mga gaya kong single mother dapat sinasarili niya nalang, nakakasakit siya ng damdamin