Kabanata 80
Kabanata 80
Noong marinig iyon ni Meredith, hindi na siya nakapagpigil pa. "Jeremy, hinanap kita agad paggising
ko. Hindi nga ako nakapag-almusal. Anong gagawin ko kapag umalis ka?"
Hindi lumingon si Jeremy. "Pwede kang mag-almusal ngayon."
"..." Natulala si Meredith sa kinatatayuan niya. Pinanood niya si Jeremy na lumapit kay Madeline at
balewalain siya. Humigpit lalo ang hawak niya sa kanyang pitaka, para bang sasabog na siya ano
mang oras.
Nagulat din si Madeline sa mga ikinilos ni Jeremy. Subalit, mukhang seryoso siya sa mga sinabi niya.
Sinadya niyang bagalan ang lakad niya at tumingin kay Madeline pagdaan niya. "Sumama ka sakin."
Hindi maintindihan ni Madeline kung bakit ginagawa 'to ni Jeremy, pero nang makita niya ang
nanggigigil na mukha ni Meredith, ngumiti siya at sumunod kay Jeremy. Sumakay siya sa kotse ni
Jeremy.
Para hindi na sila magtalo, hindi na nagsalita pa si Madeline habang nasa biyahe sila. Hindi rin
nagsalita si Jeremy.
Sinilip ni Madeline si Jeremy at nakita niya ang mahamis at seryosong mukha nito.
Naalala niya ang mga panahon na sinisilip-silip niya si Jeremy noong nag-aaral pa sila. Hindi na niya
alam kung ilang beses niya bang ginawa iyon noon. Kahit na ang pakiramdam niya noong nagkagusto
siya kay Jeremy ay hindi ang pinakamagandang naramdaman niya, maganda pa rin ito at puro.
Subalit, hindi na siya makakabalik sa panahon na iyon.
Hindi na siya makaramdam ng kahit ano sa ano mang paglalambing ni Jeremy. Tanging poot at
kalungkutan na lamang ang kanyang nararamdaman.
Marapos na matulala sandali si Madeline napagtanto niya na huminto na pala ang sasakyan. Nasa
Whitman Corporation sila.
Nagtataka siyang tumingin kay Jeremy. Subalit, naunang lumabas ng sasakyan si Jeremy at naglakad
papunta sa passenger seat. Pagkatapos, binuksan niya ang pinto para kay Madeline.
Inakala niya na bukal sa loob ni Jeremy ang paghatid sa kanya sa trabaho, pero, lumalabas na hinatid
lang siya ni Jeremy dahil may pupuntahan ito. Subalit, ayos lang din naman ito. Katapat lang naman ng
Whitman Corporation ang opisina ni Felipe. Kailangan na lamang niyang tumawid.
Bumaba ng sasakyan si Madeline bitbit ang kanyang bag. "Salamat, Mr. Whitman." Nagpasalamat siya
kay Jeremy at tumalikod.
"Saan ka pupunta?" Muli niyang narinig ang boses ni Jeremy. "Mula ngayon, dito ka na magtatrabaho."
Inisip ni Madeline na guni-guni lamang niya ito. Lumingon siya kay Jeremy. "Mr. Whitman, kung kulang
kayo ng tauhan, dapat maglagay kayo ng recruitment ad online."
"Madeline, huwag mong hintayin na magalit ako." Sumimangot si Jeremy. "Di ba gusto mong
magdesign ng mga alahas? Ang Whitman Corporation ang pinakamagandang lugar para mailabas mo
ang potensyal mo."
Magandang pakinggan ang alok ni Jeremy, pero parang hindi rin ito makatotohanan.
"Bigla ka bang nagkaroon ng konsensya, Mr. Whitman?" Tumawa si Madeline at nang-iinis na tumingin
kay Jeremy. "Gusto ko nga ang pagdedesign ng mga alahas, pero mas gusto ko yung pakiramdam na
pinagkakatiwalaan ako."
Nabigla si Jeremy nang marinig niya ang sinabi ni Madeline.
Mas lumaki ang ngiti sa mga labi ni Madeline. "Mr. Whitman, kailan ka ba nagtiwala sakin? Naniwala
ka ba sakin noong inakusahan ako ng plagiarism? Hindi, hindi mo 'ko pinaniwalaan."
Siya na ang sumagot para kay Jeremy. Pagkatapos, natawa na lamang siya.
"Kaya, please huwag mong kukunin ang isang tao na may history ng plagiarism. Baka kasi
magkaproblema ang kumpanya niyo sa oras na manggaya uli ako ng gawa ng iba."
Pagkatapos niyang sabihin yun, nakita ni Madeline na nagdilim ng husto ang mukha ni Jeremy. Para
bang may parating na bagyo.
Kinabahan si Madeline kaya tumalikod siya agad. Natatakot siya na mabisto ni Jeremy ang pekeng
ngiti niya kapag hindi siya nagmadali.
Noong maging pula ang ilaw sa traffic light, hindi matiis ni Madeline na silipin kung nasaan na si
Jeremy.
Nakatayo pa rin siya doon habang nakatingin kay Madeline.
Sa di malamang dahilan, mukhang malungkot siya sa mga sandaling iyon.
Nilihis ni Madeline ang kanyang tingin at tumawid sa tawiran. Subalit, para bang ramdam pa rin niya na
nakatingin sa kanya si Jeremy.
Nakokonsensya na ba siya at nagsisisi sa nangyari sa namatay nilang anak?
Hehe.