Kabanata 72
Kabanata 72
Nakakita si Madeline ng isang pares ng mamahaling itim na sapatos na gawa sa balat at isang pares
ng mahahaba at balingkinitang mga binti. Itinaas niya ang kanyang ulo, at sa kanyang nanghihinang
kalagayan, nakaaninag siya ang isang pamilyar na mukha bago siya mawalan ng malay.
Nang magising si Madeline, natuklasan niya na nasa ospital siya. Nakabantay sa kanyang tabi si Ava.
Nakita ni Ava na gising na siya pero hindi pa rin gumagaan ang kanyang loob. "Maddie, hindi mo ba
alam ang kondisyon ng katawan mo? Bakit ka lumabas sa ulan at napunta sa ganitong sitwasyon?"
Nakita ni Madeline na mangiyak-ngiyak na si Ava. Namumula ang kanyang mga mata at nanginginig
ang kanyang mga labi.
"Gising na ako, hindi ba?" Ngumiti si Madeline. Subalit, naramdaman niya na baka lumala na ang
kanyang katawan. Ayaw na niya itong isipin pa.
Naalala niya kung paano niya ginastos ang natitira niyang buhay para sabihan ng masama si Jeremy
kanina. Siguro dahil matatapos na rin ang kanyang buhay kaya nakakatawa na lang para sa kanya ang
mangako ng brutal na kamatayan.
"Sinong nagdala sa'kin dito?"
Naalala ni Madeline ang nangyari bago siya mawalan ng malay. Medyo naaalala niya na nakakita siya
ng isang pamilyar na mukha.
"Hindi ko alam. Ang sabi ng nars isa siyang gwapo at matikas na lalaki. Tama, maganda rin ang
kanyang boses. Siya ang tumawag sa'kin para puntahan ka dito gamit ang phone mo," sabi ni Ava na
mukhang interesado. Tinulak niya ang balikat ni Madeline. "Madeline, 'di kaya manliligaw mo ’yun?"
Tumawa si Madeline. "Paanong magkakaroon ng manliligaw ang isang babaeng kagaya ko?"
"Anong mali doon? Napakaganda at napakatalentado mo. Maraming lalaki ang nakapila sa'yo.
Nabulag ka lang sa pag-ibig kaya mahal mo pa rin ang basurang lalaking iyon."
Mahal pa rin ba niya si Jeremy?
Nakatulala pa rin si Madeline.
Pagkatapos niyang magpahinga ng ilang araw, nanumbalik na ang lakas ni Madeline.
Hindi nanggulo sa kanya si Jeremy sa loob ng mga araw na iyon.
Kahit wala na siyang masyadong oras, hindi gusto ni Madeline na sukuan ang kanyang sarili.
Hindi pa niya napapaghiganti ang kanyang anak kaya hindi siya papayag na mamatay nang ganoon
kabilis. Nagpasa siya ng sandamakmak na resume at sa wakas, isang kumpanya ang tumawag sa
kanya para sa isang interview.
Pinakahalagahan ni Madeline ang pagkakataon na ito, kaya nagsuot siya ng isang pares ng simpleng
damit pang-opisina.
Ang kumpanya ay nasa gitna ng lungsod at isang kalsada lang ang layo mula sa Whitman Corporation.
Nang makarating si Madeline sa kumpanya, hindi niya inaasahan na lumabas si Meredith. Siguro ay
makikipagkita siya kay Jeremy sa Whitman Corporation at nagpasya na bumili ng kape papunta roon.
Nang makita niya si Madeline ay nanlumo ang kanyang mukha.
"Madeline, mas cheap ka pa pala kumpara sa inaakala ko! Hindi mo pinatawad maski na si Old Master
Whitman! Siguro drinoga mo ang matandang iyon kaya napaka-defensive niya para sa'yo!"
Mapanakit ang kanyang mga salita pero hindi gusto ni Madeline na makipag-away dito.
"Meredith, pakinggan mo ang mga sinasabi mo. Sa tingin mo ba lahat ng tao ay kasing cheap at kasing
sama mo? Matalinong tao si Grandpa kaya nakita na niya ang tunay mong ugali noon pa lang."
"Pag!" Galit na galit si Meredith. "Madeline, p*ta ka! Pinagmukha mong napakainosente mo. Kung hindi
ka nagsabi ng masama tungkol sa akin at ininsulto ang aking nakaraan sa harap ng matandang iyon at
kay Jeremy, bakit biglang gustong imbestigahan ni Jeremy ang nakaraan ko?"
Hindi iyon inaasahan ni Madeline. Mukhang nakinig nga sa kanya si Jeremy.
"'Wag kang masyadong matuwa, Madeline. Sasabihin ko sa'yo, walang mahahanap si Jeremy tungkol
sa lahat ng mga sinabi mo!" Nagngitngit ang ngipin ni Meredith at tumili. Kahit na nagsalita siya na
para bang nakapaghanda siya, pakiramdam ni Madeline ay nagsisimula nang pagdudahan ni Jeremy
si Meredith nang makita niya itong halos sumabog. Kung hindi, bakit siya magkakaganto?
"P*ta ka!" galit niyang sigaw kay Madeline. Pagkatapos ng ilang saglit, tinignan niya ang damit ni
Madeline sabay pabalik sa kumpanya sa kanyang harapan. "Tch, naghahanap ka ba ng trabaho?
Tignan natin kung sino magtatangkang tumanggap sa'yo!"
Pagkasabi ni Meredith nito, tinapon niya ang mainit na kape kay Madeline.